Pinas ‘di kakalas sa UN rights body – Locsin
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi kakalas ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa kabila ng ipinasang resolusyon na nagnanais silipin ang giyera ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Sa post ni Locsin sa kanyang Twitter account, sinabi nito na ang boto ng UNHRC ay maituturing na maliit na bagay at mananatili ang Pilipinas para turuan ng “good manners” ang mga Europeans.
“UNHRC vote is a small and harmless matter; we’re staying in UNHRC as a pedagogical duty to teach Europeans moral manners,” sabi ni Locsin.
Sinabi rin ni Locsin na hindi puputulin ng Pilipinas ang diplomatic relations sa anumang bansa.
Ipinahiwatig ni Locsin na hindi na maiinsulto pa ang mga nang-iinsulto sa bansa kung tuluyang puputulin ang relasyon dito.
“We’re not severing diplomatic relations with any country. If we did, where’s the conversation? How do you insult those who insulted us if you cut them off?” sabi ni Locsin.
Nauna rito, inilutang ni Locsin ang posibilidad na wakasan ang diplomatic relations sa Iceland na kinatigan naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
- Latest