^

Bansa

‘Falcon’ bahagyang lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Falcon� bahagyang lumakas
Kahapon ng alas-11:00 ng umaga, si Falcon ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration sa layong 940 kilometro ng silangan-hilagang silangan ng Virac, Ca­tanduanes o nasa layong 1,150 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Falcon habang kumikilos pahilagang kanluran.

Kahapon ng alas-11:00 ng umaga, si Falcon ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration sa layong 940 kilometro ng silangan-hilagang silangan ng Virac, Ca­tanduanes o nasa layong 1,150 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos si Falcon pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 60 kilometro bawat oras.

Ang mga residente ng Bicol region at Western Visayas ay makakaranas ng kalat-kalat hanggang malawak na pag-ulan  at pagkulog-pagkidlat dahil sa extension ng tropical depression at sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, MIMAROPA at ibang bahagi ng Visayas dahil sa southwest monsoon o habagat.

Ngayong Martes, light to moderate na may manaka-nakang heavy monsoon rains ang aapekto sa MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.   

vuukle comment

FALCON

WEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with