Anti-fake news bill inihain
MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si Senate President Vicente Sotto III laban sa fake news sa social media at websites. Sa Senate Bill No. 9 o An Act Prohibiting the Publication and Proliferation of False Content on the Philippine Internet, nais ni Sotto na gawing krimen ang malisyosong pagpapakalat o paggawa ng maling impormasyon laban sa isang tao.
Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng P2 milyong multa at kulong ang lalabag.
Binanggit niya ang SWS survey noong 2017 at 2018 na 67% ng mga Pinoy internet users ang nagsabing isang seryosong problema ang fake news sa internet.
- Latest