^

Bansa

Lacson kay Cayetano: ‘Masyado pang maaga para manakot’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lacson kay Cayetano: �Masyado pang maaga para manakot�
Ayon kay Lacson, masyado pang mahaba ang panahon para maisakatuparan ni Ca­yetano ang kanyang pananakot.

MANILA, Philippines — Hindi natinag si Sen. Panfilo Lacson sa pana­nakot ni Rep. Alan Peter Cayetano na iiklian at gagawing tatlong taon ang termino ng mga senador.

Ayon kay Lacson, masyado pang mahaba ang panahon para maisakatuparan ni Ca­yetano ang kanyang pananakot.

Hindi rin aniya makakatulong ang pahayag ni Cayetano sa pagkumbinsi sa mga senador na ikonsidera man lang ang panukalang pag ami­yenda sa Konstitusyon o charter change.

Ipinahiwatig naman ni Sen. Koko Pimentel na hindi mangyayari ang nais ni Cayetano kung walang suporta ng Senado.

“It takes two to tango,” ani Pimentel.

Pero bukas  si Pimentel sa posiblidad na gawing apat na taon ang termino ng mga senador mula sa kasalukuyang anim na taon pero may isa o dalawang beses na reeleksiyon.

Nauna rito, ginawa  ni Cayetano ang banta noong Miyerkules ng gabi sa meeting ng ilang congressmen kung saan kasama ang karamihan sa ruling PDP-Laban. 

Si Cayetano ang inaasahang mahahalal na Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress matapos iendorso ni Pa­ngulong Duterte.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with