^

Bansa

Offshore gaming walang benepisyo sa ekonomiya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Offshore gaming walang benepisyo sa ekonomiya
Ayon kay Sen. Joel Villanueva, ang POGO ay nagdudulot ng “stress” sa real estate market maging sa negosyo ng mga Filipino at mga manggagawang umuupa lamang sa mga lugar na may operasyon ang offshore gaming.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hindi masyadong nakakatulong sa domestic economy ang Philippine offshore gaming operations (POGO) kahit pa patuloy na lumaki ang operasyon nito sa bansa.’

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, ang POGO ay nagdudulot ng “stress” sa real estate market maging sa negosyo ng mga Filipino at mga manggagawang umuupa lamang sa mga lugar na may operasyon ang offshore gaming.

Kung ikokonsidera ang paglaki ng nasabing industriya, posibleng maging “sin city” ng China ang Pilipinas pero wala namang benepisyo sa mga Filipino at sa ekonomiya.

Ipinunto ni Villanueva na patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga paupahang opisina o tanggapan dahil tumataas ang demand mula sa POGO industry at posibleng maungusan na nito ang IT-Business Process Management sa office space demand.

Nagtataasan din umano ang presyo ng residential at condominium rentals sa mga lugar na may mga POGO na halos hindi na kaya ng mga nangungupahang Filipino.

Dahil din sa pagdami ng mga illegal foreign workers, maraming Filipino office employees umano ang hindi na nagre-renew ng kanilang kontrata sa mga inuupahang bahay o lugar sa Makati, Taguig at Pasay dahil nagiging doble o triple na ang presyo nito dahil sa demand mula sa mga foreign workers.

Isa umanong office worker ang nag-ulat sa tanggapan ni Villanueva na mula sa P25,000 upa sa isang condo sa Pasay, ginawa itong P60,000 ng unit owner kaya hindi na ini-renew ang kontrata.

Ayon pa kay Villanueva, hindi naman nadadag­dagan ang trabaho ng mga Filipino dahil puro Chinese workers ang kinukuha na kayang makipag-usap sa mga kliyente nila na nagsusugal sa China.

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with