^

Bansa

SWS: 93% ng Pinoy gusting bawiin ang West Philippine Sea

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
SWS: 93% ng Pinoy gusting bawiin ang West Philippine Sea
Sa survey ng SWS, 93 percent ng mga Filipino ang nagnanais na mabawi ng Pilipinas ang mga teritoryo na inokupahan ng China sa WPS.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nais ng mayoryang Filipino na mabawi ng Pilipinas ang control sa West Philippine Sea partikular sa mga islang inokupahan ng China, base sa resulta ng 2nd quarter 2019 survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey ng SWS, 93 percent ng mga Filipino ang nagnanais na mabawi ng Pilipinas ang mga teritoryo na inokupahan ng China sa WPS.

Isinagawa ang survey noong June 22-26 sa may 1,200 respondents sa Metro Manila, Ba­lanced Luzon, Visayas at Mindanao.

Mas mataas ito ng 4 points sa nakaraang December 2018 survey na nagnanais na bawiin ng Pilipinas ang mga islang inukupahan ng China sa WPS.

Samantala, 92 percent naman ng respondents ang nagsasabing dapat lamang palakasin ang kapasidad ng militar partikular ang Philippine Navy.

Sa nasabing survey din lumitaw na 84% ng Pinoy ang hindi pabor na magkaroon ng alyansa ang Pilipinas upang ipagtanggol ang WPS.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with