^

Bansa

Tsina, US ang makikinabang sa Cha-cha — Bayan Muna

James Relativo - Philstar.com
Tsina, US ang makikinabang sa Cha-cha � Bayan Muna
"Hinahawan nito ang daan para sa full ownership ng mga bansa gaya ng China sa ating mga public utilities at likas yaman," sabi ni Neri Colmenares.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV, File

MANILA, Philippines — Ibinabala ng isang progresibong grupo na hindi mga Pilipino kundi mga dayuhan lang ang makikinabang sa itinutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabago ng Saligang Batas.

Paliwanag ng Bayan Muna ngayong Miyerkules, ekonomikong interes ng Tsina at Estados Unidos ang aarangkada oras na maipatupad ang charter change.

"Pagpayag sa 100% pagmamay-ari ng mga estratehikong industriya at ari-arian ng Pilipinas ang pramaryang layunin ng Cha-cha," wika ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares sa Ingles.

Sa ilalim kasi ng Article XII ng 1987 Constitution, hindi bababa sa 60% ng kapital sa mga korporasyon at public utilities ang dapat pagmamay-ari ng mga Pilipino — dahilan para 40% lang ang maaaring mapunta sa mga banyaga.

Ika-8 ng Hulyo nang udyukin ni Duterte ang mga kaalyado niya sa Kamara na pabilisin ang pagpapalit ng Saligang batas sa 18th Congress.

"Kailangan nating palitan ang konstitusyon, magkaroon man ng pederalismo o hindi," sabi niya habang nanunumpa ang mga bagong appointees ng Palasyo.

Dati na ring sinabi ni Digong na handa siyang luwagan ang mga batas sa pag-aangkin sa bansa sa ngalan ng pamumuhunan.

"Tungkol sa konstitusyon, handa akong baliktarin ang 60-40. Basta't handa ang Kongreso, susunod lang ako," sabi niya sa Wallace Business Forum noong 2016 sa Malacañan.

Mayo noong taon ding 'iyon, binanggit na rin ni Duterte na pabor siyang buwagin ang 60-40 provision para maging "kumportable" ang mga foreign investors sa Pilipinas.

Dagdag ng Bayan Muna, kung titignan daw Resolution of Both Houses 15, makikita na ibinubukas ang mga ari-arian ng Pilipinas sa mga transnational na korporasyon at iba pang mga bansa.

"Hinahawan nito ang daan para sa full ownership ng mga bansa gaya ng China sa ating mga public utilities at likas yaman," sabi ni Colmenares.

"'Di na ako magugulat kung buburahin ni Duterte ang probisyon kung saan ilalaan lang sa mga Pilipino ang EEZ para lang mapaboran ang Tsina." 

Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi naman daw gagamitin laban sa katiwalian ang Cha-cha, lalo na't korap din naman daw ang kanyang mga itinalaga.

Dating itinutulak ni Duterte ang pagbabago ng konstitusyon para isulong ang pederalismo, na magbibigay daw ng mas malaking awtonomiya sa mga bubuuing maliliit na estado.

"Isa pa, iwinawasiwas din ang pagpapalawig ng termino kalakip ng Cha-cha para suportahan ito ng mga pulitiko," sabi ni Zarate.

'Pagbabago kaya kahit walang Cha-cha'

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi naman daw kailangan ng Cha-cha para magpatupad ng pagbabago sa bansa.

"Si [Manila Mayor] Isko Moreno ang 'exhibit A' ng katotohanang kayang lutasin ang mga problema ng bansa kahit hindi gumagawa ng bagong Saligang Batas," paliwanag ni Recto sa Ingles.

Aniya, kailangan lang daw magkaroon ng panibagong pananaw at pangangasiwa upang agarang umunlad.

"Wala sa pagbabago ng Saligang Batas ang solusyon sa baha, traffic, krimen at basura," dagdag niya.

"Hindi rin ito ang pangunahing sangkap upang dumami ang trabaho, lumago ang industriya, at umusbong ang pabahay."

Gayunpaman, libre pa rin naman daw ang mga taong magpakilala ng mga bagay na nais nilang amyendahan upang mapagdebatihan.

Huwag din daw sanang madaliin ito gamit ang bilang ng mga mambabatas ngunit idaan sa mga magagandang argumento.

vuukle comment

1987 CONSTITUTION

BAYAN MUNA

CHARTER CHANGE

RALPH RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with