^

Bansa

‘Bulacan, epicenter ng drug war killing’- Amnesty

Gaea Katreena Cabico - Pilipino Star Ngayon
�Bulacan, epicenter ng drug war killing�- Amnesty
Tinalakay ni Butch Olano, section director ng Amnesty International Philippines ang kanilang report at nanawagan sa pamahalaan na rebisahin ang kasalukuyang mga patakaran laban sa droga na tinatarget ang mahihirap at pinananagot ang pamahalaan sa mga extrajudicial killing.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nananatili umanong isang malaking murdering enterprise ang “war on drugs” ng pamahalaan pero nagbago ang epicenter ng mga pagpatay, ayon sa human rights watchdog na  Amnesty International kahapon.

Sinabi ng London-based rights group na isa na ngayong pinakamadugong killing field sa Pilipinas ang lalawigan nitong Bulacan.

Isinasaad sa report na binanggit ng Amnesty na 827 drug personalities ang napatay sa lalawigan sa pagitan ng Hulyo 2016 at Pebrero 2019.

Ang bilang ay mas mataas kaysa sa 285 drug personalities na napatay sa Metro Manila na naunang tinawag na epicenter ng mga pagpatay na may kaugnayan umano sa droga.

Sinabi pa ng Amnesty na ang pagdami ng mga napatay ay dahil sa paglipat sa Bulacan ng mga police commander na naunang nangasiwa ng anti-drug operation sa kalakhang Maynila. Kabilang umano rito si Col. Chito Bersaluna, ang police chief ng Caloocan City nang mapatay ng mga pulis ang 17-anyos na si Kian delos Santos noong Agosto 2017. Napawalang-sala sa kasong ito si Bersaluna na ngayon ay top cop ng Bu­lacan. 

Iginiit naman kahapon ng Malacañang na hindi kailangang manghimasok at tumulong ang Amnesty International sa mga biktima ng Extra Judicial Killings (EJKs) bagkus ay hayaan ang mga human rights activists ng Pilipinas, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Hinikayat din ng Palasyo ang mga biktima ng EJKs na magsampa ng kaso laban sa mga pulis na sinasabi nilang nasa likod ng drug war.

Aniya, hindi dapat pinapalaki ang isyu sa pamamagitan ng media report bagkus ay dapat tulungan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga biktima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga pulis.

 Nais ng AI na magsagawa ng imbestigasyon ang United Nations (UN) hinggil sa libo-libong napapatay sa drug war ng Duterte government.

 Hinamon naman ng Malacañang ang AI na magpakita ng facts at kung sino-sino ang sinasabi nitong napatay sa war on drugs.

Aniya, ang mga pulis na natukoy sa operasyon kung saan ay may napatay na mga biktima ay kinasuhan ng administratibo at criminal sa korte. (Rudy Andal)

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with