^

Bansa

Villar naghain ng bill sa OFW departament

Pilipino Star Ngayon
Villar naghain ng bill sa OFW departament
Sa ilalim ng Senate Bill 141, magtatatag ng Department of Migration and Development upang mapadali ang mga proseso at mahinto ang mga hindi makatwirang sinisingil ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga overseas Filipino workers.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Naghain si Senador Cynthia Villar ng panukalang batas sa pagbuo ng departamento na bubusisi sa kalagayan ng may 12 milyong Pilipino sa ibang bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill 141, magtatatag ng Department of Migration and Development upang mapadali ang mga proseso at mahinto ang mga hindi makatwirang sinisingil ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga overseas Filipino workers.

Sa sandaling maisabatas, irerekomenda at ipatutupad  ng departamento ang mga patakaran, plano at programa ng pamahalaan upang maisulong ang proteksyon, kaligtasan, kaunlaran at suporta sa mga Pilipinong nasa ibang  bansa at mga naiwang kasapi ng kanilang pamilya. 

Isusulong, pauunlarin at imomonitor nito ang patuloy na edukasyon, pagsasanay at kuwalipikasyon, availability at deployment ng OFWs at makikipag-ugnayan sa concerned agencies sa pagsasanay sa overseas Filipinos para mapabuti ang kanilang competitiveness sa buong mundo. 

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with