^

Bansa

Duterte mag-eendorso ng Speaker

Delon Porcalla - Pilipino Star Ngayon

Magbabago pa rin ng isip

MANILA, Philippines — Dalawang linggo bago ang kanyang ika­apat na State of the Nation Address, maaaring magba­go pa rin ng isip si Pa­ngulong Duterte at sa bandang huli ay mag-eendorso siya ng bagong Speaker ng House of Representatives.

Ito ang sinabi ng ilang mapapanaligang impormante na naglatag ng napipintong senaryo sa Hulyo 22 kapag opisyal nang nagsesyon ang 18th Congress kasunod ng mga pagtatalo hinggil sa mga aspiranteng Speaker na naghati sa mga kaalyado ng naghaharing PDP-Laban.

“Parang nakita niya kung paanong nagkaroon ng pagkakawatak-watak sa plano niyang huwag makialam sa Speakership race na naging free-for-all na labanan at meron pang mga nagsisiraan,” puna ng impormante.

Nitong nagdaang mga araw, ang mga anak ni Duterte na sina Davao City Mayor Sara at Rep. Paolo ay bumuo ng isang koalisyon para pagkaisahin ang nagkawatak-watak na koalisyon ng administrasyon sa mababang kapulu­ngan ng Kongreso at inindorso nila si reelected Davao third district Rep. Isidro Ungab bilang kanilang Speaker.

Kabilang pa sa kumakandidatong Speaker sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, makakabuti sa bansa na mag-endorso si Pangulong Duterte ng Speaker dahil tumatagal ang usa­pin at napakarami ng kandidato na ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng post-Marcos Congress.

Pabor din si Capiz Rep. Fredenil Castro na magsalita na ang Pa­ngulo at ihayag ang napipisil nitong Speaker para mawakasan na ang mga ispekulasyon at pagkakahati-hati ng majority coalition.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with