^

Bansa

Mas makabuluhang reporma aasahan sa Duterte admin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit na malawak at makabuluhang mga reporma ang maaasahan ng bansa mula sa administrasyong Duterte batay sa mga bagong batas at programa ngayong kaalyado ng Pangulo ang karamihan sa mga mambabatas sa Kamara at Senado.

Ito ang pananaw ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang ‘resident economist’ ng Kamara. Inaasahan niya na “sisentro ang inaasahang mga reporma sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas upang maging ‘globally competitive’ ito.”

Ayon kay Salceda ang mga reporma ay tutuon sa tatlong larangan – ‘economic, political and social’—at magsisilbing pangatlong haligi ng ‘Dutertenomics,” isang estratehiyang pangkabuhayang naglalayong ‘pabilisin ang paglawak ng kakayahan ng bansa sa pulitika at pananalapi tungo sa pag-unlad.”

Tiniyak ni Salceda na nakaplano ang naturang mga reporma.

Sa repormang pampulitika, sinabi ng mambabatas na ang “Constitutional Pathways to Autonomy” ay nakahanda na rin. Kasama naman sa ‘social reforms’ ang paglikha ng ‘Department of Disaster Resilience, National Land Use Act; mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC); Lowering of Age of Criminal Liabi­lity (mga akda din` ni Salceda); End of Endo/Contractualization Act; and the Government Service Insurance Systems Act.’ 

Tiniyak ni Salceda na magiging mabisa ang susunod na mga reporma dahil sa kaalyado nga ng Pa­ngulo ang karamihan ng mga mambabatas at matibay ang hawak niya sa mga kasapi ng kanyang Gabinete at nagkakaisa sila.

 

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with