^

Bansa

Mga tindahan sa tabi ng Manila City Hall idedemolis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inutos ni Manila Mayor Isko Moreno na baklasin ang lahat ng stalls at iba pang iligal na istruktura sa Bonifacio Shrine na nasa tabi ng Manila City Hall at Universidad De Manila na nagsilbing ‘eyesore’ na binaboy sa loob ng anim na taon.

Nabatid na binigyan na ng ultimatum na hanggang Miyerkules (Hulyo 10) na lamang ang mga stalls at vendors sa nasabing lugar at kung hindi kusang magbabaklas at lilisanin ang nasabing lugar ay sapilitang gigibain ang mga nakatayong istruktura na bukod sa magulo at pangit na view ay napakadumi at mabaho dahil sa ginagawang palikuran at tambakan ng mga basura.

Sinabi ni city engineer Armand Andres na sa Huwebes ang nakatakdang demolisyon sa mga hindi tutugon sa kautusan na bakantehin ng mga negosyante ang nasabing lugar.

Sakop ng kautusan sa clearing operations sa Huwebes ng umaga ang kahabaan ng Natividad Street (da­ting Concepcion street) hanggang sa Hospital Street na harapan ng UDM.

 

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with