^

Bansa

Duterte sa US: ‘Declare war to China’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa US: �Declare war to China�
Ayon kay Duterte, kung gusto ng Amerika, maaari nitong dalhin ang lahat ng eroplano at barko nito sa China at unang magpaputok.
FIle

MANILA, Philippines — Hinamon ni Pangulong Duterte ang Amerika na magdeklara ng giyera sa China sa halip na ga­wing pain o ‘bait’ ang Pilipinas sa gitna ng nangyayaring militarisasyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay Duterte, kung gusto ng Amerika, maaari nitong dalhin ang lahat ng eroplano at barko nito sa China at unang magpaputok.

“Ngayon sabi ko, dalhin mo ‘yang lahat ng eroplano mo, barko mo dito sa China, fire the first shot at nandito kami sa likod. Sige, laban tayo kung sinong mapulpog. Totoo. America,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati kamakalawa sa Alangalang, Leyte

Ayon pa sa Pangulo, palaging itinutulak ng Amerika ang Pilipinas na umalma sa China pero hindi niya papayagan na mamatay ang kanyang mga sundalo ng walang kalaban-laban.

“Kaya ‘yan ang problema natin ngayon. I hope that China would not overdo things also because there is always America pushing us, egging us. Tinitikoy tayo para… ‘Sige, sige.’  Ginagawa akong bait. Anong tingin ninyo sa Pilipino, wati (earthworm)…I am not I am not about to order my soldiers to go to the mouths of hell to die na walang kalaban-laban. I cannot do that,” sabi ni Duterte.

Sabi pa ni Duterte, lahat ng modernong missiles ay nasa Spratly na maaaring makarating sa Pilipinas sa loob lamang ng pitong minuto.

Mismong ang Amerika aniya ay ayaw makipag-giyera sa China at alam ng nasabing bansa ang unti-unting construction na ginagawa ng China sa Spratly Islands. 

Pero hindi rin umano pinahinto ng Amerika ang China sa pagtatayo ng mga artificial islands.

“Itong America alam nila. May Seventh Fleet sila. Bakit hindi nila pinuntahan doon sa Spratly and say, “Hey guys, you are not supposed to build an artificial islands in the high seas. That is exactly prohi­bited by international law, and the fact that you are constructing it within the exclusive economic zone of our friend, the Philippines.’ Hinayaan nila,” sabi ni Duterte.

Ipinahiwatig naman ng Pangulo na susuportahan ang Amerika kapag nagpaputok laban sa China dahil na rin sa umiiral na RP-US pact kung saan dapat magsuportahan ang dalawang bansa kapag nasabak sa giyera.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with