^

Bansa

DENR sa mga Mayor: Linisin din ang mga ilog, karagatan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga bagong upong mayor na linisin din ang mga ilog at karagatan na nasa kanilang area of responsibility.

Ito ay ginawa ni DENR Assistant Secretary Joan Lagunda bilang reaksiyon sa ginagawang paglilinis ni Manila Mayor Isko Moreno sa Maynila partikular sa Divisoria at Quiapo, Maynila.

Ayon kay Lagunda, dapat isama din ng alkalde na linisin ang maruruming estero sa Maynila gayundin ang ilog at karagatan sa lungsod.

Kahapon pinangunahan ng DENR ang mga volunteers at govern­ment agencies sa Gate 46 sa Parola compound, Maynila para linisin ang 225 metro na coastal area ng Barangay 275 sa Parola, sa lugar na ito nagsasalubong ang ilog Pasig at Manila Bay kayat santambak ang basura na naiipon dito mula sa iba’t ibang LGU sa Metro Manila.

Nanawagan din ang DENR sa publiko na huwag magtatapon ng basura sa estero o ilog lalo na na ngayong tag-ulan upang hindi pagmulan ng iba’t ibang uri ng sakit at hindi pamugaran ng lamok na may dalang sakit na dengue na karaniwang lumalabas sa panahon ng tag-ulan.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with