^

Bansa

Chinese workers sa Pinas pagbayarin ng buwis - Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Chinese workers sa Pinas  pagbayarin ng buwis - Senado
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto dapat ay walang “great wall” na haharangan at magbibigay ng proteksiyon sa Chinese labor sa pagbabayad ng buwis sa kinikita nila sa Pilipinas.

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng Senado ang plano ng gobyerno na pagbayarin ng buwis ang mga mamamayan ng China na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto dapat ay walang “great wall” na haharangan at magbibigay ng proteksiyon sa Chinese labor sa pagbabayad ng buwis sa kinikita nila sa Pilipinas.

Sinabi ni Recto na dapat sundin ang ultimatum ng Department of Finance sa mga Chinese employees at employers tungkol sa pagbabayad ng buwis.

Dapat aniyang tiyakin muna na nakakakolekta ng buwis bago itaas ito.

Idinagdag ni Recto na baka kaya nagdadag­saan ang mga dayuhan sa Pilipinas ay dahil mas­yadong maluwag ang gobyerno at nalulusutan ang BIR, DOLE at Bureau of Immigration.

Sinabi ni Recto na ang mga Filipino workers at mga professionals ay nagbayad ng nasa P370 bilyong income tax noong 2017, na kumakatawan sa 20 porsiyento ng kabuuang buwis.

Ayon pa kay Recto, sa bawat P5 ibinabayad na buwis, P1 dito ay nagmula sa mga individual income earners.

Hindi anya maaring istrikto ang BIR sa mga manggagawang Filipino pero hindi sa mga foreign nationals. 

“Dehado na nga sa West Philippine Sea, pati ba naman sa singilan ng buwis e dehado pa rin ang Pilipinas,” dagdag ni  Recto.

vuukle comment

CHINESE WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with