^

Bansa

'Single-use plastic' nais ipagbawal ni Sen. Kiko Pangilinan

Philstar.com
'Single-use plastic' nais ipagbawal ni Sen. Kiko Pangilinan
Ayon sa pinakahuling ulat ng GAIA ngayon taon, isang pangkalikasang grupo, tinatayang gumagamit ang isang pangkaraniwang Pilipino ng 591 piraso ng sachet, 174 bag pang-shopping at 163 plastic labo kada taon. 
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Mapagbabawalan na ang pagbenta at paggamit ng mga single-use plastic na produkto sa merkado, sa isang panukalang inihain ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Kongreso kahapon.

Kapag naipasa, ang panukala ay hahamigin pati ang mga konsumer ng single-use plastic na magdala ng sariling reusable container, kapalit ng karampatang 5 pisong bawas sa presyo ng bilihin. 

Ilang halimbawa ng single-use plastic ang plastic straws, cups at lids, shrink wrap at iba pa. 

Sa pagkakataong hindi maiiwasan ang paggamit ng mga ito, responsable ang konsumer sa ilalim ng panukala na muling gamitin o di kaya’y i-recycle ang plastic na produkto.

Ayon sa panukala ng senador, talamak ang mga single-use plastic sa bansa dahil sa “sachet economy” nito.

“The sachet economy occurs because people buy many products in small amounts since they are cheaper,” ulat ng panlinaw na abiso ng panukala.

(Nagpapatuloy ang sachet economy dahil mas mura ito bilhin nang unti-unti.)

Ayon sa pinakahuling ulat ng Global Alliance for Incinerator Alternatives ngayon taon, isang pangkalikasang grupo, tinatayang gumagamit ang isang pangkaraniwang Pilipino ng 591 piraso ng sachet, 174 bag pang-shopping at 163 plastic labo kada taon. 

Lumalabas din sa parehong ulat na mahigit 50 pursyento ng mga hindi narerecycle na basura ay branded at 10 na kumpanya lamang ang responsable sa 60% ng kalahat ng branded na basura sa bansa. 

Inirekumenda din ng GAIA na kailangan pang paigtingin ang panghihikayat sa mga manupakturer na maging responsable sa basurang kasama sa kanilang mga operasyon. 

Sumatotal, aabot ng 17.5 bilyong piraso ng plastic shopping bag at 16.5 bilyong plastic labo ang nagagamit kada taon.

Hindi ito ang unang beses na may naghain sa Kongreso ng panukalang nagbabawal at naglilimita sa paggamit ng single-use plastic sa bansa. 

Naghain ng panukala noong Agosto 23, 2018 si dating Sen. Loren Legarda na ipinagbabawal ang paggawa, pag-angkat at paggamit ng mga single-use plastic sa bansa.

Binanggit din ng panukala ang labis na pinsalang dala ng mga produktong ito sa tao, karagatan at mga namumuhay sa dagat.

Sa kabilang banda, may iilan na ring panukala ang nailatag sa Kongreso na naglilimita na rin sa paggamit ng plastic bag. 

Noong Hulyo 19, 2016, nagsumite ng panukala sina dating Senador Loren Legarda at Senador Nancy Binay na para sa regularisasyon ng paggamit at pagbili ng plastic bag sa merkado.

Hulyo 20 ng parehong taon, naghain ng “Plastic Bag Phase-Out” si dating Senador Bam Aquino kasabay ng paghikayat ng paggamit ng mga reusable plastic bag sa hanay ng mga konsumer. 

Sumunod naman noong 2018 ang mga panukalang naglilimita at nagbabawal sa mga plastic straws, sa panukalang hinain ni Senador Risa Hontiveros noong Hulyo 5, at ni Senador Sonny Angara noong Hulyo 16. — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla

vuukle comment

FRANCIS PANGILINAN

RECYCLING

SINGLE-USE PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with