^

Bansa

Romualdez, No.1 sa House Speaker survey

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Romualdez, No.1 sa House Speaker survey
Nakakuha si Romualdez ng 30% sa survey. Sumusunod sa kanya sina Taguig Congressman Alan Peter Cayetano, 23%; dating Speaker Pantaleon Alvarez, 18%; at ang panghuli ay si Marinduque Lord Allan Velasco na nakakuha lamang ng 14%.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nanguna si Leyte Congressman Martin Romualdez sa mga kandidatong Speaker ng House of Representatives sa isang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc).

Nakakuha si Romualdez ng 30% sa survey. Sumusunod sa kanya sina Taguig Congressman Alan Peter Cayetano, 23%; dating Speaker Pantaleon Alvarez, 18%; at ang panghuli ay si Marinduque Lord Allan Velasco na nakakuha lamang ng 14%.

Sa nationwide survey, lumitaw na si Romualdez ang no.1 choice sa Visayas (35%), Balance of Luzon (31%), at Mindanao regions (23%).

Sa National Capital Region (NCR), nanguna naman si Cayetano na may (33%), pumangalawa si Romualdez na may 27%.

Sa Balance of Luzon, pumangalawa si Caye­tano na may 25% kay Romualdez na may 31%. Sa Visayas regions, si Velasco ay nakakuha lang ng 19% na pinangungunahan pa rin ni Romualdez na may 35% at si Cayetano na nasa pangalawang puwesto na may 21%.

Sa Mindanao, “statistically tied” si Romualdez na may 23% at Alvarez na nakakuha ng 20%.

Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMDinc, ang incoming members sa House of Representatives ay nasa “turmoil stage” at, sa tingin namin, obligasyon naming pulsuhan ang sentimyento ng kanilang constituents at umaasa na pakikinggan nila ang boses ng kanilang nasasakupan.

Ang non-commissioned survey ay ginanap nuong July 26-31, 2019 na may 3,500 registered voters nationwide at may 3% +/- margin of error.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with