^

Bansa

DOTr pumalag kay Sen. Poe

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr pumalag kay Sen. Poe
Iginiit ng DOTr na malaki na ang ibinaba sa bilang ng unloading incidents sa MRT-3 kumpara noong mga nakaraang taon kung saan mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang administrasyong Duterte ay nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinalagan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang mga akusasyon ni Sen. Grace Poe na lumalala ang kondisyon ng MRT-3.

Iginiit ng DOTr na malaki na ang ibinaba sa bilang ng unloading incidents sa MRT-3 kumpara noong mga nakaraang taon kung saan mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang administrasyong Duterte ay nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019.

Para rin umano sa kaalaman ng butihing senadora, ang huling nangyaring unloading incident ng MRT-3 ay bunsod ng door failure, na resulta ng pagsandal ng mga pasahero sa pintuan ng tren.

Pagdating sa service interruptions, malinaw din na bumaba umano ang bilang mula sa 31 noong Enero-Hunyo 2016, kumpara sa 12 mula Enero-Hunyo 2019 at sa nadatnan nilang sira-sirang riles at aircon, hindi namintinang mga bagon at kulang-kulang na spare parts. 

Aminado naman ang DOTr na hindi ura-urada ang isinasagawang pagsasaayos ng MRT-3 dahil napa­karami pa ang kailangang ayusin dito lalo na ang pag o-overhaul sa lahat ng 72 Light Rail Vehicles (LRVs) nito, papalitan lahat ng mainline tracks, ire-rehabilitate ang power at overhead catenary systems, ia-upgrade ang signalling system, communications and CCTV systems, at kukumpunihin ang lahat ng escalators and elevators.

Pangako naman ng kagawaran sa taumbayan na  pagsapit ng July 2021, o 26 months mula nang magsimula ang rehabilitasyon ay ganap nang mararamdaman ang mga pagbabago sa MRT-3.

Iaakyat din ang bilang ng mga running trains mula 15 hanggang 20, pabibilisin ang takbo ng tren mula 30kph hanggang 60kph, at babawasan ang waiting time mula sa kasalukuyang 7.5 minutes hanggang 3-3.5 minutes.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with