^

Bansa

‘Shit happens’ — Sen. Bato sa 3-anyos na napatay sa drug operation

Philstar.com
�Shit happens� � Sen. Bato sa 3-anyos na napatay sa drug operation
“Ikaw ba pulis ka gusto mong may batang matamaan? Never, eh kasi ikaw may anak ka rin. Hindi mo gustong mangyari na ganon. Pero shit happens. During operation, shit happens,” dagdag pa niya.
The STAR, File

MANILA, Philippines — "Shit happens," 'yan ang sinabi ng senador at dating hepe ng Philippine National Police na si Bato Dela Rosa tungkol sa pagkamatay ng tatlong taong gulang na babae sa isang drug raid sa Rodriguez, Rizal, ika-29 ng Hunyo.

Ang bata at ang ama niyang si Renato “Kato” Ulpina ay nasawi sa naturang operasyon kasama nina Police Master Sergeant Conrado Cabigao Jr. at isa pang suspek na hindi pinangalanan.

Nang tanungin ang senador kung ano ang dapat pagbutihin ng mga pulis na sangkot sa mga drug operations, pareho ang kanta ni Bato kay Pangulong Rodrigo Duterte at tinawag itong “collateral damage.”

“Rules of engagement? Eh talagang i-secure mo lahat. Walang collateral damage pero sabi ko, imperfect world tayo,” ani Bato Huwebes sa Kapihan sa Senado.

“Ikaw ba, pulis ka, gusto mong may batang matamaan? Never, eh kasi ikaw may anak ka rin. Hindi mo gustong mangyari na ganon. Pero shit happens. During operation, shit happens,” dagdag pa niya.

Sa parehong panayam, ipinahayag rin ng senador na bukas rin siya sa pagpapanukala ng batas, para maiwasan na ang mga ganitong pangyayari.

Hindi basta 'collateral damage'

Kinundena naman ng Commission on Human Rights ang nasabing insidente sa isang pahayag ngayong araw.

"She would’ve turned four by the end of July, but Myka Ulpina’s life was cut short in the hands of those who swore to protect it," sabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann De Guia.

(Apat na taong gulang na sana siya sa katapusan ng Hulyo, pero pumanaw siya sa kamay ng mga taong pumoprotekta sana sa kanya.)

Taliwas sa ngayon ang testimonya ng otoridad at pamilya ng mga nasawi sa kung ano nga ba talagang nangyari sa insidente.

Dahil dito, nangako ang komisyon na magsasagawa ng sarili nitong imbestigasyon.

"Minors caught in the crossfire of the government’s initiative in combatting illegal drugs in the country are simply not collateral damages. They are victims," dagdag ni De Guia.

(Hindi basta collateral damage ang mga menor de edad na nasasawi sa engkwentro pagdating sa pagsugpo ng iligal na droga. Biktima sila.)

Patuloy namang iginiit din ng CHR na dapat nang tapusin ang madugong gera kontra droga ni Duterte.

Imbis na lumobo raw ang mga namamatay na suspek, sana raw ay lumaki na lang ang naliligtas na buhay nito.

'Hindi totoo'

Ayon sa ulat ng PNP, ang nasabing bata ay ginamit diumano ng ama bilang “human shield” at suspect na si Renato. 

Ngunit sabi ng asawa ni Ulpina sa isang ulat ng GMA News, natutulog ang kanyang pamilya nang pumasok ang mga pulis. Dahil dito, dali-dali raw pumanik sa ikalawang palapag ang asawa ni Ulpina kasama ng tatlo pa nilang mga anak. 

Hindi naman daw iniwan ng nasawing bata ang kanyang ama.

Kinumpirma naman ni PNP chief Oscar Albayalde na sinibak na niya ang benteng kapulisang sangkot sa operasyon. Isinasailalim na rin sa ballistic examination ang mga armas ng nasabing kapulisan.

“Then again, also, we have to look this on both ways (Gayunpaman, dapat tignan natin ang parehong panig). The suspect, kung alam niyang he has a child there inside, he should have surrendered,” sagot ni Albayalde.

“Remember, Sgt. Cabigao died also and he left two children also dito. His children are like 7 or 6-years-old. Isang babae, isang lalaki. They’re still very young. Hindi lang po siya ang namatayan,” dagdag ng Hepe sa isang panayam sa "The Source" ng CNN Philippines.

(Tandaan, namatay rin si Sgt. Cabigao at naiwan niya yung dalawa niyang anak na pito o anim na taon pa lamang. Isang babae at isang lalaki. Bata pa. Hindi lang siya [Gng. Ulpina] ang namatayan.)

Sa tala ng Amnesty International, isang organisasyong bantay sa karapatang pantao, may 25 hanggang 27 bata ang nakitil ang buhay sa gitna ng war-on-drugs operations noong Hulyo hanggang Disyembre 2016 pa lamang.

Matatandaan na sa parehong taon, sa ilalim ng pamumuno ni Bato bilang hepe ng PNP,  nagtala ang kapulisan ng 20,584 na bata bilang user, pusher at runner ng droga, ayon sa ulat ang Philippine Center for Investigative Journalism

vuukle comment

BATO DELA ROSA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with