^

Bansa

‘Wag n’yo akong ikudeta - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Wag n�yo akong ikudeta - Digong
Sinabi ng Pangulo, kung ayaw na sa kanyang pamumuno ng mga sundalo at pulis ay kausapin lamang siya at handa siyang bumaba sa puwesto.
KJ Rosales

Apela sa mga sundalo at pulis

MANILA, Philippines — Umapela si Pangulong Duterte sa mga sundalo at pulis na huwag mag-kudeta sa kanyang termino.

“I know that the Armed Forces and the Police will have to decide one day somehow. Do not do it please during my term,” pahayag ng Pa­ngulo sa mga opisyal at sundalo sa anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) kamakalawa ng gabi sa Villamor airbase, Pasay City.

Sinabi ng Pangulo, kung ayaw na sa kanyang pamumuno ng mga sundalo at pulis ay kausapin lamang siya at handa siyang bumaba sa puwesto.

“I told you before all you have to do kung ayaw ninyo ako, do not bring your weapons and me­chanized armors there. Just call me and we’ll have coffee and I am ready to say, ‘It’s yours for the taking,’” dagdag niya.

Binigyang-diin pa ng Pangulo, kahit walang kudeta ay makukuha ng militar at pulis ang poder mula sa kanya pero tiwala siyang hindi ito gagawin sa kanya ng mga sundalo at pulis.

Inanunsiyo din ni Pangulong Duterte na inaprubahan niya ang kahilingan ng AFP commanders para sa mo­dernisasyon ng Armed Forces.

vuukle comment

PHILIPPINE AIR FORCE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with