^

Bansa

2,291 pulis nahaharap sa administrative cases

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2,291 pulis nahaharap sa administrative cases
Ayon kay PNP-Internal Affairs Service (IAS) chief, Atty. Alfegar Triambulo, ang nasabing bilang ay 36% na mas mataas kumpara sa 1,683 naitala sa kaparehong period noong 2018.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot sa 2,291 mga pulis ang nahaharap sa kasong administratibo sa loob lamang ng limang buwan sa taong ito.

Ayon kay PNP-Internal Affairs Service (IAS) chief, Atty. Alfegar Triambulo, ang nasabing bilang ay 36%  na mas mataas kumpara sa 1,683 naitala sa kaparehong period noong 2018.

Sinabi ni Triambulo, sa average na buwanang tala ay nasa 458 ang natanggap na mga kasong administratibo laban sa mga tiwaling pulis kumpara sa 337 noong nakalipas na taon.

Karamihan sa mga nakasuhang pulis ay mga bagito sa serbisyo o yaong mga Patrolman ang mga ranggo.

Kabilang naman sa mga kasong administratibo na kinakaharap ng mga ito ay may kinalaman sa iligal na droga, paglabag sa police operation at indiscriminate firing.

Samantala ang iba ay nakasuhan sa paglabag sa election laws partikular na sa vote buying nitong midterm elections noong Mayo 13.

vuukle comment

ALFEGAR TRIAMBULO

PNP DMINISTRATIVE CASES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with