^

Bansa

MRT-3, LRT-2, PNR libre na para sa mga estudyante simula Hulyo

James Relativo - Philstar.com
MRT-3, LRT-2, PNR libre na para sa mga estudyante simula Hulyo
Pero paglilinaw ng ahensya, hindi saklaw ng pribilehiyo ang mga postgraduate students.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Wala nang babayarang pamasahe ang mga estudyante sa Manila Metro Rail Transit System Line 3, Manila Light Rail Transit System Line 2 at Philippine National Railways sa susunod na buwan.

Huwebes nang ianunsyo ni Transport Secretary Arthur Tugade na ililibre na ang sakay sa tatlong linya ng tren mula Lunes hanggang Biyernes, pwera holiday, sa mga piling oras.

Epektibo ang kautusan pagsapit ng ika-1 ng Hulyo, 2019, ayon sa ulat ng The STAR.

"Tuluy-tuloy ang pagpapadama ng Kagawaran ng Transportasyon at ng mga attached agency nito ng PUSO at MALASAKIT para sa mga Pilipino," sabi ng DOTr.

Pero paglilinaw ng ahensya, hindi saklaw ng pribilehiyo ang mga postgraduate students.

Narito ang iskedyul ng mga libreng sakay:

LRT-2 

  • 4:30 a.m. hanggang 6:00 a.m.
  • 3:00 p.m. hanggang 4:30 p.m.

MRT-3

  • 5:00 a.m. hanggang 6:30 a.m.
  • 3:00 p.m. hanggang 4:30 p.m.

PNR

  • 5:00 a.m. hanggang 6:00 a.m.
  • 3:00 p.m. hanggang 4:00 p.m.

Terminal fees libre na rin

Bukod sa mga libreng sakay sa tren, libre na rin para sa mga estudyante ang terminal fee sa mga paliparaang pag-aari at pinangangasiwaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines.

Gayundin ang magiging kalakaran para sa mga pantalang pag-aari at pinatatakbo ng Philippine Ports Authority.

"Patunay po ito ng patuloy na pagmamalasakit ng Kagawaran ng Transportasyon at ng mga kaugnay nitong ahensyang MRT-3, LRTA, PNR, CAAP at PPA, upang bigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino, gaya ng hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte," dagdag ng DOTr.

vuukle comment

ARTHUR TUGADE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

LRT-2

MRT-3

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with