^

Bansa

Imee pababasbasan sa mga Igorot ang kuwarto ni Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Imee pababasbasan sa mga Igorot ang kuwarto ni Trillanes
“Siguro magpapatawag ako ng mga Igorot namin dahil kailangan basbasan ang office ko dahil kay Sen. Trillanes ata ang nabunot. Yun na lang natira, nahuli yata ang tao ko. Sabi bunutan eh,” pahayag ni Marcos.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pabirong sinabi kahapon ni Senator-elect Imee Marcos na magsasama siya ng mga Igorot sa Senado upang pabasbasan ang iiwanang kuwarto ni outgoing Sen. Antonio Trillanes IV na napunta sa kanya sa isinagawang bunutan ng room assignment.

“Siguro magpapatawag ako ng mga Igorot namin dahil kailangan basbasan ang office ko dahil kay Sen. Trillanes ata ang nabunot. Yun na lang natira, nahuli yata ang tao ko. Sabi bunutan eh,” pahayag ni Marcos.

Pabiro ring sinabi ni Marcos na yayayain niya si Trillanes na makisayaw sa kanya kasama ang mga Igorot para mabendisyunan ng todo ang kuwarto nito na gagamitin niya sa susunod na Kongreso.

Samantala, napunta naman kay Senator-elect Bong Go ang iiwanang kuwarto ni Sen. Gregorio Honasan.

Ayon kay Go, hindi na siya gagastos para ayusin ang nakuhang kuwarto bagaman ay may mga nag-aalok sa kanya ng mag-iinterior design sa kanyang opisina. Pero balak ni Go na ipa-feng shui ang pagkakaayos nang lilisaning opisina ni Honasan.

Si Senator-elect Francis Tolentino naman ang nakabunot sa kuwartong iiwanan ni outgoing Sen. JV Ejercito.

Ang dating opisina naman ni dating senator Alan Peter Cayetano na ginawang extension office ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang nakuha ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with