^

Bansa

800k empleyado ng BPO nanganganib mapalitan ng 'artificial intelligence' bago 2024

Philstar.com
800k empleyado ng BPO nanganganib mapalitan ng 'artificial intelligence' bago 2024
Pero sabi ng DOLE, hindi naman lalampas sa 100,000 low-skilled na empleyado ang maaapektuhan ng paglaganap ng mga AI.
File

MANILA, Philippines — Humigit-kumulang 800,000 empleyado ng mga business process outsourcing ang nanganganib mawalan ng trabaho dahil sa artificial intelligence sa loob lamang ng limang taon.

Nakikitang mas mura para sa mga BPO ang gumamit ng AI kumpara sa pagkuha ng mga empleyado.

Ayon sa panayam ng GMA kay Christopher Monterola, propesor ng Asian Institute of Management at Aboitiz School of Innovation, Technology and Entrepreneurship: “80% ang ini-imagine na pwedeng in the next five years mawala dito sa mga BPO natin.”

Dahil dito, nag-abiso ang Department of Labor and Employment na sumailalim sa pagsasanay o pag-aaral ang mga Pilipino upang matuto ng mga kakayahan para sa mga "medium" at "high-skill" na trabaho.

Pero sabi ng DOLE sa panayam sa GMA Lunes, hindi naman lalampas sa 100,000 low-skilled na empleyado ang maaapektuhan ng paglaganap ng mga AI.

Dagdag nila, magkakaroon naman ng karagdagang 600,000 trabaho para sa mga middle-skilled at high-skilled na empleyado.

“Pagdating naman po doon sa middle-skilled at saka high-skilled, more than 600,000 naman po ang maki-create ng IT-BPM [Information Technology-Business Process Management] sectors,” sabi ni Dominique Rubia-Tutay, director IV ng DOLE Bureau of Local Employment.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan ang DOLE sa mga BPO upang malaman ang mga posibleng trabaho na maihahain sa mga Pilipino sa susunod na taon.

Inaalam din nila ang mga kakayahan na dapat isulong sa mga training center upang mabigyan ng wastong kasanayan ang mga Pilipino. — Philstar.com intern Gab Alicaya

vuukle comment

BUSINESS PROCESS OUTSOURCING

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

UNEMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with