^

Bansa

OFW nalaglag mula 3rd floor, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
OFW nalaglag mula 3rd floor, patay
Sa pahayag ng Philippine Embassy sa Tripoli, sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na nalagutan ng buhay ang 49-anyos na OFW dahil sa tinamong mga pinsala sa katawan nitong nakaraang Sabado.

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang babaeng overseas Filipino worker makaraang mahulog buhat sa ikatlong palapag ng isang apartment building nang tangkain niyang tumakas sa kanyang amo sa bansang Morocco.

 Sa pahayag ng Philippine Embassy sa Tripoli, sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na nalagutan ng buhay ang 49-anyos na OFW dahil sa tinamong mga pinsala sa katawan nitong nakaraang Sabado.

 Sa ulat, pinagalitan umano ang hindi pina­ngalanang Pinay worker ng kanyang employer at tinangkang tumakas nang pagdugtong-dugtungin niya ang ilang piraso ng tela na ginamit niya bilang lubid upang makababa sa apartment building sa Casablanca, Morocco.

 Minalas na napatid ang tela dahilan para malaglag ang babae na nagresulta sa kanyang kamatayan.

 Hawak naman umano ng mga lokal na awtoridad ang employer ng nasawi at isinasailalim na sa imbestigasyon, ayon pa kay Cato.

 Nangako naman ang Department of Foreign Affairs ng tulong para maibalik sa Pilipinas ang labi ng nasawing OFW. Isang consular team na ang ipinadala sa Casablanca para makipagtulugan sa mga awtoridad at para maayos ang “repatriation”.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa pamilyang naulila ng manggagawang Filipina.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PHILIPPINE EMBASSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with