Enrile inabsuwelto ng SC sa behest loans
MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Korte Suprema si dating Senador Juan Ponce Enrile at iba pang Marcos cronies kaugnay ng behest loans na ibinigay sa isang sugar milling company noong 1968 ng Philippine National Bank (PNB).
Batay sa 15 pahinang desisyon ni Associate Justice Jose Reyes, Jr. ng SC 2nd Division, nakasaad na ibinabasura ang petition for certiorari na inihain ng Presidential Commission on Good Government na humihiling na baligtarin ang resolution ng Ombudsman noong December 29, 2006 at kautusan noong Abril 21, 2009. Kasama ni Enrile sa mga naabsuwelto dahil sa lack of probable cause sina Roberto Benedicto, Antonio Diaz, Ismael Reinoso, Simeon Miranda, Renato Tayag, Juan Trivinio, Cesar Virata, Jose Macario Laurel IV at Jose Leido.
Naniniwala naman ang Mataas na Hukuman na hindi inabuso ng Office of the Ombudsman ang kanilang posisyon nang unang idismis ang kaso dahil naman sa lack of jurisdiction.
- Latest