^

Bansa

Lacson itinangging 'pumupustura para sa 2022' nang mag-ingay kaugnay ng Recto Bank

James Relativo - Philstar.com
Lacson itinangging 'pumupustura para sa 2022' nang mag-ingay kaugnay ng Recto Bank
Nitong nakaraang linggo, kapansin-pansin ang sunod-sunod niyang maaanghang na pahayag nang pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang joint probe kasama ang Tsina sa banggaan sa Recto Bank.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Sen. Panfilo Lacson ang mga ugong-ugong na pumumustura na siya para sa eleksyong 2022, 'yan ay matapos niyang kastiguhin ang mga aksyon ng pamahalaan kaugnay ng insidente sa Recto Bank.

"To those accusing me of posturing for 2022, I am not," sabi niya sa isang tweet Lunes ng umaga.

(Sa mga pinagbibintangan akong pumoposisyon para sa 2022, mali kayo.)

"I am just myself - mostly serious, sometimes funny, naughty, controversial, dull, boring."

(Nagpapakatotoo lang ako - madalas seryoso, minsan nagpapatawa, pilyo, kontrobersyal, nakakayamot.)

Nitong nakaraang linggo, kapansin-pansin ang sunod-sunod niyang maaanghang na pahayag nang pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang joint probe kasama ang Tsina sa banggan sa Recto Bank.

"The Palace wishes to inform our people that President Duterte welcomes and accepts the offer of the Chinese Government to conduct a joint investigation to determine what really transpired in Recto Bank and find a satisfactory closure to this episode," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

(Gustong ipabatid ng Palasyo sa taumbayan na tinatanggap ni Presidente Duterte ang alok ng Tsina na imbestigahang magkasama ang nangyari sa Recto Bank para maresolba ang isyu.)

Matatandaang sinalpok ng Yuemaobinyu 42212 ng Tsina ang F/B Gem-Vir 1 na may lulang 22 Pilipino nitong ika-9 ng Hunyo kahit nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Pero hindi naman ito ikinatuwa ni Lacson.

Dagdag pa niya, tila si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin lang daw ang nag-iisip nang tumanggi siyang husgahan ng Tsina ang sariling kaso.

"The others, Panelo, Nograles, Piñol, I'm not sure," sabi niya.

(Yung iba, si Panelo, Nograles, Piñol, hindi ako sigurado.)

Ngayong umaga, sinabi rin ni dating Foreign Affairs Secrertary Albert del Rosario sa panayam ng ANC na dapat ibasura ng Pilipinas ang joint investigation kasama ang Tsina dahil papabor daw ang resulta sa kanila.

Noong isang linggo, matatandaang sinabi ni Panelo na "illogical" ang sinabi ni Lacson na nag-aabogado siya para sa Tsina.

Iminumungkahi ngayon ni Duterte na lumikha ng isang joint investigating committee para imbestigahan ang insidente, na lalahukan ng Pilipinas, Tsina at isa pang "neutral country."

vuukle comment

CHINA

PANFILO LACSON

RECTO BANK

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

TERRITORIAL DISPUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with