^

Bansa

VP Leni kasangga ng Pinoy fishermen vs China

Pilipino Star Ngayon
VP Leni kasangga ng Pinoy fishermen vs China
Sa kaniyang pagdalaw sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro nitong Biyernes, nakausap ni Robredo ang mga mangingisdang lulan ng lumubog na F/B Gem-Ver sa Recto Bank, isang bahagi ng West Philippine Sea
Felicer Santos

MANILA, Philippines — Nakahanap ng kasangga ang mga mangingisdang Pilipino na ang bangka ay binangga ng isang Chinese vessel kay Vice Pres. Leni Robredo. 

Sa kaniyang pagdalaw sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro nitong Biyernes, nakausap ni Robredo ang mga mangingisdang lulan ng lumubog na F/B Gem-Ver sa Recto Bank, isang bahagi ng West Philippine Sea

Bagamat halata ang pagod at tila pag-aalinla­ngan ng mga mangingisda, gumaan rin ang loob ng mga ito sa Bise Presidente, na kinuwentuhan nila tungkol sa kanilang pinagdaanan: mula sa paglubog ng bangka nila dahil sa pagbangga, ang pang-iiwan ng crew ng Chinese vessel na nagdulot ng pinsala, hanggang sa paghingi ng tulong sa isang Vietnamese vessel na malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Sunod sa layon ng kaniyang pagbisita, ipinaabot ni Robredo sa mga mangingisda ang kaniyang pakikiisa. Aniya, handa ang kaniyang opisina na tulungan sila at ang pamilyang may-ari ng bangka sa kanilang muling pagbangon, lalo pa’t ang bangkang nasira ang inaasahan nilang lahat para sa kanilang kabuhayan. 

Sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan, tila mas nakapalagayan ng loob ng mga mangingisda si Robredo, na nauna nang nagsabi na dapat panagutin ang crew ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga Pilipino. 

Bukod sa dayalogo sa mga mangingisda, binisita rin ni Robredo ang bahay ng kapitan ng bangka na si Junel Insigne, kung saan siya malugod na sinalubong ng asawa nitong si Lanie at ng kanilang mga anak. 

Dala ng Bise Presidente ang tulong pinansyal na P50,000 para sa bawat mangingisda, na bigay ng isa sa mga partners ng kaniyang opisina sa ilalim ng Angat Buhay program. 

vuukle comment

LENI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with