^

Bansa

Toilet paper, sabon, flush sa CR ng mga terminal nasa batas na – Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Toilet paper, sabon, flush sa CR ng  mga terminal nasa batas na � Poe
Ayon kay Poe, sakop ng batas ang lahat ng mga land transport stops kung saan kasama ang mga bus, jeepney at mga roll-on/roll-off terminals.

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ni Sen. Grace Poe na obligado na ang mga kompanya ng bus na tiyaking malinis ang kanilang mga comfort rooms at mayroon dapat itong toilet paper, sabon, tubig naka-flush na toilet at maayos na ilaw.

Ginawa ni Poe ang paalala tungkol sa nilagdaang batas ni Pangulong Duterte na Better Terminals Law na pangunahing isinulong ni Poe sa Senado.

Ayon kay Poe, sakop ng batas ang lahat ng mga land transport stops kung saan kasama ang mga bus, jeepney at mga roll-on/roll-off terminals.

Dapat din aniyang nakahiwalay ang palikuran para sa mga kababaihan at mga lalaki at mayroon din para sa mga disabled.

Nakalagay din sa batas na dapat ay may breastfeeding room para sa mga nanay at mayroon ding wi-fi.

Naniniwala si Poe na ikatutuwa ng mga manla­lakbay ang nasabing batas dahil matitiyak na ang paggamit nila ng malinis na palikuran.

Mahalaga ang nasabing batas lalo pa’t isinusulong ng gobyerno ang maayos na turismo.

Naniniwala rin si Poe na maliit na bagay lamang ang paglalagay ng maayos na palikuran kumpara sa malaking kinikita ng mga kompanya ng bus.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with