^

Bansa

Dating DFA Secretary Del Rosario hawak ng otoridad sa Hong Kong airport

Philstar.com
Dating DFA Secretary Del Rosario hawak ng otoridad sa Hong Kong airport
Matatandaang isa si Del Rosario sa mga naghain ng "communication" sa International Criminal Court laban kay Chinese president Xi Jinping kaugnay ng mga diumano'y crimes against humanity sa West Philippine Sea.
File

MANILA, Philippines — Hinarang sa Hong Kong International Airport si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario Biyernes ng umaga.

Lumapag si Del Rosario sa Hong Kong 7:40 a.m., pagkukumpirma ng kanyang abogado na si Ann Marie Corominas sa Philstar.com.

Matatandaang isa si Del Rosario sa mga naghain ng "communication" sa International Criminal Court laban kay Chinese President Xi Jinping kaugnay ng mga diumano'y crimes against humanity sa West Philippine Sea.

Ayon daw kay Del Rosario, walang dahilan para harangin siya sa paliparan.

"The only thing that they have said is they are checking on a ‘case’ but we don’t know if the translation is correct," sabi ng legal counsel ni Del Rosario.

(Ang tanging sinabi nila ay tinitignan nila kung merong "kaso" pero hindi namin alam kung tama ang pagsasalin ng wika.)

Una nang hinarang sa HKIA si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, na kasama ni Del Rosario magparating ng reklamo sa ICC, nitong Mayo.

Pumasok sa special administrative region ng Tsina si Del Rosario gamit ang isang diplomatic passport, kaiba sa regular na pasaporteng ginamit ni Morales.

Nagtungo daw ang dating kalihim doon para sa isang board meeting sa Philippine Long Distance Telephone Company.

Dagdag pa ng abogado, hindi raw maaaring tumagal ng isa't oras at halahati si Del Rosario roon.

"This is not a way to welcome a welcome our former secretary," wika niya.

(Hindi dapat ganito sinasalubong ang dating kalihim.)

Pagharang 'labag sa batas'

Dagdag pa ng abogado, maaaring paglabag sa lokal at pandaigdigang mga batas ang ginagawa sa dating hepe ng DFA.

"Actually, the international law is under the Vienna conventions... RA 8239 Section 7," sabi niya.

(Sa katunayan, nasa ilalim ito ng international law ng Vienna conventions... at RA 8239).

Tumutukoy ang RA 8239 sa "Philippine Passport Act" na naisabatas taong 1996.

"The HK immigration have not been able to explain why he is being held, especially because he is on diplomatic passport," paliwanag ni Corominas.

(Hindi kayang ipaliwanag ng HK immigration kung bakit siya hinaharang, lalo na't may diplomatic passport siya.)

Babala nila, maaaring maging paglabag at lamat ito sa diplomatikong relasyunan ng dalawang bansa.

Tinitignan din daw ng kampo ni Del Rosario kung inuutusan ni Xi ang liderato ng Hong Kong kaugnay ng insidente. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

vuukle comment

ALBERT DEL ROSARIO

HONG KONG

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

XI JINPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with