^

Bansa

Boat captain nag-sorry kay Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Boat captain nag-sorry kay Duterte
Humarap sa media si F/B Gem-Ver Capt. Junel Insigne na tubong-Occidental Mindoro at sinabing hindi niya alam na si Agriculture Secretary Manny Piñol at hindi si Duterte, ang humiling na makipagkita sa kanya sa Maynila.

MANILA, Philippines — Humingi kahapon ng paumanhin kay Pa­ngulong Duterte ang kapitan ng Phl fishing vessel na sinalpok at pinalubog ng isang Chinese vessel sa Recto Bank dahil sa nauna niyang komentaryo na nagpapakitang umat­ras siya sa sinasabing pakikipagpulong niya sa huli.

Humarap sa media si F/B Gem-Ver Capt. Junel Insigne na tubong-Occidental Mindoro at sinabing hindi niya alam na si Agriculture Secretary Manny Piñol at hindi si Duterte, ang humiling na makipagkita sa kanya sa Maynila.

Nauna rito, sinabi ni Insigne na makikipagtagpo siya kay Duterte para humiling ng pananagutan makaraang banggain ng isang Chinese vessel ang kanyang bangka at iniwan sila ng kanyang 21 crew member na palutang-lutang sa dagat.

Pero sinabi ni Insigne na umatras siya sa pulong dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam.

Katabi si Piñol, humi­ngi ng paumanhin si Insigne kay Duterte dahil pinalilitaw sa pahayag niya na inisnab niya ang Presidente. 

“Humihingi ako ng paumanhin sa ating mahal na presidente, na hindi po pala ako pinatawag niya kundi si Secretary Piñol po ang nagpatawag sa amin. Hindi po ako natuloy, umatras ako dahil masama ang pakiramdam ko,” sabi ni Insigne sa isang pulong-balitaan sa Occidental Mindoro.

Ayon sa kalihim, hu­mingi siya ng paglilinaw kay Insigne dahil pinasasama rito ang Pangulo. “Para bang inisnab niya ang presidente, eh wala namang invitation talaga,” ani Piñol.

vuukle comment

CHINESE VESSEL

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with