^

Bansa

6,600 patay sa drug war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6,600 patay sa drug war
Sa inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP), simula nang ilunsad ang drug war sa pag-upo sa puwesto ni Pangulong Duterte noong Hulyo 1, 2016 hanggang Mayo 31, 2019 ay umaabot sa 6,600 drug suspects ang napatay ng mga awtoridad.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 6,000 drug suspects ang napaslang sa giyera kontra droga ng pamahalaan. 

Sa inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP), simula nang ilunsad ang drug war sa pag-upo sa puwesto ni Pangulong Duterte noong Hulyo 1, 2016 hanggang Mayo 31, 2019 ay umaabot sa 6,600 drug suspects ang napatay ng mga awtoridad.

Nasa 240,565 drug personalities ang naaresto habang 1,530,574 ang sumuko sa 153,276 drug operations na inilunsad sa buong bansa.  

Samantala 1,225 drug personalities ang napaslang matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa loob lamang ng dalawang buwan.

Ang nasabing bilang ay naitala ng PNP mula Abril 1 hanggang Mayo 31 ng taong ito. 

Sa nasabing period ay naitala naman sa 25,897 ang nasakote sa inilunsad na 25,000 operations kontra droga.

Inihayag naman ni PNP Directorate for Ope­rations Police Major Gen. Mao Aplasca, nasa 12,000 barangay ang “drug cleared” mula Hulyo 1, 2016 hanggang Mayo 31, 2019.

Nangunguna ang Ilo­cos Region sa mga barangay na nalinis sa droga, kasunod ang Eastern Visayas at Wes­tern Visayas.

Ang National Capital Region ay nasa 88.69% na ang nalinis sa droga, Central Luzon na naitala sa 75.50%; Bicol Region, 72.89% at Central Visayas, 76.36 %.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with