^

Bansa

'Pagpatay sa 3 aktibista sa Bikol dulot ng MO 32 ng gobyerno'

Philstar.com
'Pagpatay sa 3 aktibista sa Bikol dulot ng MO 32 ng gobyerno'
Isinisi ng grupong Amihan ang mga pagpatay kina Ryan Hubilla, Nelly Bagasala sa Sorsogon City at Neptali Morado sa Naga City sa ibinabang Memorandun Order 32 ng Office of the President sa rehiyon.
Release/Karapatan

MANILA, Philippines — Matinding batikos ang ibinato ng Pambansang Pederasyon ng Kababaihang Magbubukid sa pagpatay kamakailan sa tatlong aktibista sa Bikol kabilang ang dalawang human rights worker at dating Bayan Muna-Bikol head simula noong Biyernes.

Isinisi ng grupong Amihan ang mga pagpatay kina Ryan Hubilla, Nelly Bagasala sa Sorsogon City at Neptali Morado sa Naga City sa ibinabang Memorandun Order 32 ng Office of the President sa rehiyon.

“With the intensifying human rights violations in the region, it is evident that the state forces under the Duterte government has already begun its vicious attacks on activists in Bicol under the guise of 'fighting lawlessness' through Memorandun Order 32,” sabi ni Zenaida Soriano, pambansang tagapangulo ng Amihan.

(Sa pagtindi ng paglabag sa mga karapatang pantao sa rehiyon, malinaw na ang mga puwersa ng estado sa ilalim ng administrasyong Duterte ay nagsisimula nang atakihin ang mga aktibista sa Bikol sa ilalim ng pakunwaring “paglaban sa kawalan ng batas” sa pamamagitan ng Memorandum Order 32.)

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kautusan noong 2018 para sugpuin ang "lawless violence" at "acts of terror," partikular sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Kabikulan, nang "mapigilan ang pagkalat at paglala nito sa ibang panig ng bansa."

Nauna nang sinabi ng Commission on Human Rights na iimbestigahan nila ang mga nangyaring pagpaslang.

Serye ng mga pagpatay sa Bikol

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Bikol, si Morado na ang ika-64 na biktima ng extrajudicial killing sa rehiyon habang sina Hubilla at Bagasala naman ang ikaapat at ikalimang biktima ng EJK sa Sorsogon ngayong taon lamang.

Ngayong 2019, napatay din sa naturang rehiyon sina Prieto Diaz at Dennis Españo noong ika-29 ng Abril sa Bulusan, Sorsogon, si Nicasio Elbio noong ika-11 ng Hunyo sa Brgy. Bato, Bacon sa Sorsogon City at si Herminigildo Domdom noong ika-12 ng Hunyo sa Brgy. San Isidro.

Silang tatlo ay pawang miyembro ng Anakpawis party-list at pinagbabaril ng mga hindi pa rin nakikilalang mga suspek.

Sa isang katatapos lang na fact-finding mission sa Masbate ay nakalap daw ng Karapatan-Bikol ang mangilan-ngilang kaso ng pag-abuso sa mga karapatan ng mga residente na isinagawa diumano ng 2nd at 22nd Infantry Battallion 

Ilan na lamang daw dito ang pagbabanta, pananakot, ilegal na search and seizure, pangingikil ng pagmamay-ari, paggamit sa mga paaralan, ospital, simbahan at mga pampublikong lugar para sa mga layuning militar at iba pa.

“Nakakagalit na napakadali para sa gobyernong ito na pabayaan at paslangin ang mga magsasaka at mahihirap kabilang na ang kababaihan, matatanda at kabataan, na walang ibang hangad kundi lupa, hustisya at tunay na pagbabago,” giit ni Soriano.

“We are urging the Bicolanos and various sectors to defend farming communities against the attacks and hold the Duterte government accountable for its crimes against the Filipino people,” pagtatapos ni Soriano.

(Hinihikayat namin ang mga Bikolano at iba pang mga sektor upang depensahan ang mga komunidad ng mga magsasaka mula sa mga pag-atake at papanagutin ang administrasyong Duterte para sa mga kasalanan nito laban sa mga Pilipino.) — Philstar.com intern Gab Alicaya

vuukle comment

AMIHAN

BICOL

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with