^

Bansa

‘Cusi mag-sorry ka’ – Hontiveros

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Cusi mag-sorry ka� � Hontiveros
Ayon kay Hontiveros ang komento ni Cusi ay nagpapakita ng pagiging manhid sa mga mahihirap na mangingisda at kamangmangan sa totoong nangyari.

MANILA, Philippines — Pinagso-‘sorry’ ni Senator Risa Hontiveros si Ener­gy Secretary Alfonso Cusi sa mga mangingisdang sakay ng F/B GEM-VIR 1 at sa buong bansa dahil sa sinabi nito na hindi sinadya ang pagkakabangga ng Chinese vessel.

Ayon kay Hontiveros ang komento ni Cusi ay nagpapakita ng pagiging manhid sa mga mahihirap na mangingisda at kamangmangan sa totoong nangyari.

Sinabi rin ni Hontiveros na maiintindihan kung bakit nagdesisyon si Junel Insigne, kapitan ng F/B GEM-VIR 1 na umatras sa  nakatakda nilang pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa opisyal ng gobyerno na katulad ni Cusi.

Napaulat na sinabi ni Cusi na hindi umano sinadya ang pagkakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy dahil ang tama nito ay nasa hulihang bahagi ng bangka o stern.

Si Cusi ang naatasan ng Pangulo na magtungo sa Occidental Mindoro noong Hunyo 16 upang makipag-usap kay Insigne at makuha ang kanyang personal na salaysay sa nangyari sa gitna ng ma­tinding batikos ng publiko laban sa China.

Ipinaalala rin ni Hontiveros na mismong ang Chinese government na ang umamin na nabangga nila ang bangka ng Pilipinas at maging ang Department of Defense kinumpirma ito. Maliwanag aniyang pinapanigan pa ni Cusi ang China at nais nitong i-downplay ang bigat ng isyu.

vuukle comment

ALFONSO CUSI

RISA HONTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with