^

Bansa

‘Ipapalulon ko sa’yo pustiso mo’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Ipapalulon ko sa�yo pustiso mo�
Binalaan ng Pangulo si Apolinario laban sa pangangalap ng mga puhunan at tinawag niya itong “fool” at “swindler.”
Boy Santos

Banta ni Duterte sa Kapa leader

MANILA, Philippines — Binantaan ni Pangulong Duterte ang founder ng Kapa Community Ministry International Inc. na si Pastor Joel Apolinario na pupuwersahin niyang lulunin nito ang pustiso nito dahil sa patuloy na panghihikayat sa mga mamamayan na ipuhunan ang kanilang pera sa “get rich” scheme na nanga­ngako ng malaking tubo.

Binalaan ng Pangulo si Apolinario laban sa pangangalap ng mga puhunan at tinawag niya itong “fool” at “swindler.”

Kasabay nito, sa kanyang talumpati sa Lagao Gym sa General Santos City para sa pamamahagi ng mga certificate of land ownership, nagbabala si Duterte kay Apolinario at sa ibang nasa likod ng patuloy na operasyon ng Kapa Ministry International na aarestuhin sila at hindi papayagang magpiyansa dahil ang kaso nila ay large scale estafa at swindling.

“Makinig kayo sa akin. Abogado ako at ako ang inyong Presidente.  Huwag pumasok sa Kapa. Huwag maga­lit. Kung mukha siyang napakaganda, maaaring panloloko iyan,” sabi pa ni Duterte.  “I’m sorry. Dapat mahinto ang ope­rasyon (ng Kapa). Isa iyang patuloy na krimen.”

Nitong nagdaang linggo, sinalakay ng mga awtoridad ang ilang satellite office ng Kapa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa makaraang iutos ng Pangulo na ipatigil ang operasyon nito dahil isa itong malawakang pandaraya at isang Ponzi investment scheme na bumibiktima sa mga investor na pinapangakuan ng limang ulit na doble sa kanilang pera.

Binalaan din ng Pa­ngulo ang mga agra­rian beneficiaries na huwag subukang ibenta o isang­la ang titulo ng lupa dahil kapag nagkataon, ipatatawag niya at sila’y papipilahin para pagsusuntukin, babae man o lalake.

vuukle comment

KAPA COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL INC.

PASTOR JOEL APOLINARIO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with