^

Bansa

Disqualification hearing vs Cardema bilang Duterte Youth rep umarangkada

James Relativo - Philstar.com
Disqualification hearing vs Cardema bilang Duterte Youth rep umarangkada
Kwinekwestyon ngayon ng ilang grupo ang kanyang substitution bilang unang kinatawan ng Duterte Youth party-list, lalo na't "overaged" na raw siya para sa posisyon.
The STAR/Shiela Crisostomo

MANILA, Philippines — Dumalo si dating National Youth Commission chair Ronald Cardema ngayong Martes sa pagdinig ng Commission on Elections First Division sa kasong diskwalipikasyon na isinampa laban sa kanya.

Kwinekwestyon ngayon ng ilang grupo ang kanyang substitution bilang unang kinatawan ng Duterte Youth party-list, lalo na't "overaged" na raw siya para sa posisyon.

Sa ilalim kasi ng Section 9. ng Party-List System Act, 25 hanggang 30-anyos lang ang pwedeng tumakbo bilang representante ng kabataan.

Si Cardema ay 34 taong gulang na ayon sa ipinasang certificate of acceptance of nomination na nakuha ng PSN.

Pero ayon sa kampo ni Cardema, hindi sektor ng kabataan ang kanilang balak irepresenta sa Kamara kung kaya't hindi raw sila saklaw ng probisyon.

"Cardema's lawyer argued that he represents the 'young professionals' sector not 'youth sector,'" sabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa isang tweet.

(Iginiit ng abogado ni Cardema na "kabataang propesyunal" at hindi "sektor ng kabataan" ang kanilang nirerepresenta.)

Nagpakilalang 'youth party-list' ang Duterte Youth

Pero ayon kay Youth Act Now Against Tyranny national convenor Raoul Manuel, nagpapalusot na lang daw si Cardema upang maikutan ang batas.

"Duterte Youth has consistently and repeatedly made claims that it is a ‘youth’ partylist," banggit ni Manuel.

(Lagi't lagi at paulit-ulit na sinasabi ng Duterte Youth na party-list sila ng kabataan.)

Sa isang press release na ipinadala ng NYC sa media noong ika-8 ng Mayo, matatandaang sinabi ni Cardema na bahagi ng sektor ng kabataan ang kanilang party-list.

Kinastigo nila sa nasabing pahayag ang Kabataan party-list, na kanilang iniuugnay sa rebeldeng New People's Army.

"Labanan ito ng dalwang party-lists sa youth sector, isa solid na anti-government at isa solid na pro-government, isa galit sa government troops at isa gusto pa ibalik ang rotc military training sa kabataan ng bansa," sabi ni Cardema sa statement.

Paniwala nina Manuel, na kaalyado ng Kabataan party-list, ngayon-ngayon lang nagbabago ang tono nina Cardema upang maisalba ang sarili.

"It is only now that they are claiming to be otherwise, a clear attempt to create a loophole where there isn’t one, in order to satisfy Cardema’s lust for power," paliwanag niya.

(Ngayon-ngayon na lang nila sinasabi na hindi sila [sektor ng kabataan], na malinaw na paghahanap ng butas sa batas para mapatid ang uhaw ni Cardema sa kapangyarihan.)

'Wala sanang problema kung...'

Ayon kay Guanzon, wala sanang problema ang grupo kung hindi umatras ang mga orihinal na nominado ng partido.

Kung titignan kasi ang edad ni Ducielle Marie Suarez, dating first nominee at misis ni Cardema, pasok daw ito sa requirement ng party-list law.

Matatandaang naghain ng kanilang withdrawal sina Suarez, Joseph de Guzman, Benilda de Guzman, Arnaldo Villafranca at Elizabeth Anne Cardema noong ika-12 ng Mayo, isang araw bago ang halalan.

Sa resolusyong inilabas ng Comelec en banc noong nakaraang Martes, kinatigan ng poll body ang kanilang pag-atras.

Pinalitan ni Cardema si Suarez bilang first nominee.

Kasabay ng pag-grant ng Comelec sa withdrawal nina Suarez noong nakaraang linggo, binigyan din ng "due course" ang aplikasyon sa substitution nina Cardema, o pagsagot nito sa tamang panahon.

Hindi naman ikinatuwa nina Manuel ang desisyong ito ng Comelec.

"The repeated mobilizations since election day nearly a month ago shows one thing: the Filipino youth resent power-hungry, opportunistic, and lapdog politicians like Ronald Cardema. We are warning Duterte’s COMELEC: the Filipino youth will hold you accountable for your actions," panapos ng Youth Act Now Against Tyranny.

(Isa lang ang ipinakikita ng mga pagkilos isang buwan na ang nakalilipas: na hindi masikmura ng kabataang Pilipino ang uhaw sa kapangyarihan, oportunista, at tutang pulitiko tulad ni Ronald Cardema. Binabalaan namin ang Comelec ni Duterte: sisingilin kayo ng kabataan sa mga aksyon niyo.) — may mga ulat mula kay Shiela Crisostomo

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

DUTERTE YOUTH PARTY-LIST

RONALD CARDEMA

YOUTH ACT NOW AGAINST TYRANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with