^

Bansa

Anakpawis: Milyong pesante mapipilitang magbenta ng lupa sa Rice Tariffication Law

Philstar.com
Anakpawis: Milyong pesante mapipilitang magbenta ng lupa sa Rice Tariffication Law
Ayon sa Anakpawis, limang taon nang matapos ang Compehensive Agrarian Reform Program ngunit bigo pa rin daw makamit ang tunay na repormang pang-agraryo.
Release/Anakpawis

MANILA, Philippines —  Nanindigan ang isang progresibong grupo na milyong magsasaka ang lalo pang maghihirap sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law at ng iba pang polisiyang pang-agraryo ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao, binigo raw ni Digong ang mga magsasaka sa pagpasa ng mga polisiyang “naglulugmok sa kapakanan ng lokal na agrikultura,” tulad ng rice tariffication.

“Millions of rice farmers are doomed to sell their lands as rice liberalization is synonymous to their bankruptcy,” ani ni Rep. Casilao.  

(Milyong magsasaka ng palay ang mauuwi sa pagbebenta ng kanilang lupain dahil nangangahulugan ng pagkabangkarote ang liberalisasyon ng bigas.)

Aniya, nangyayari ito habang napananatili at lumalaki pa ang mga asyenda sa Negros, Isabela, Tarlac, Nueva Ecija, Batangas, Laguna at Quezon kasama ng mga plantasyon sa Mindanao.

Dagdag ni Casilao, limang taon nang matapos ang Compehensive Agrarian Reform Program ngunit bigo pa rin daw makamit ang tunay na repormang pang-agraryo.

Kaugnay nito, sinamahan niya ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa isang protesta ngayong araw bilang tanda ng ika-31 anibersaryo ng CARP.

“He grossly failed in conning the Filipino peasantry with his prop cloa [certificate of land ownership], as if the beneficiaries are ignorant of the fact that that piece of paper can anytime be cancelled by DAR itself,” Casilao said.

(Hindi niya naloko ang mga magsasakang Pilipino gamit ng kanyang CLOA. Hindi ignorante ang mga benepisyaryo na maaari itong mapawalang-bisa anumang oras ng Department of Agrarian Reform.)

Batas pang-agrikultura sa ilalim ni Duterte

Sa unang kwarto ng taon, dalawang panukula na ang napirmahan ng pangulo na may kinalaman sa agrikultura.

Isa na rito ang Rice Importation Liberalization Law na mas kilala bilang Rice Tariffication Law. Nalagdaan ito noong ika-15 ng Pebrero.

Layunin ng batas alisin ang limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa. Ito’y ikinasa raw upang maibsan ang labis na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Ang nasabing limitasyon sa pag-aangkat ng bigas ay ipinataw upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka sa panganib ng malakas na kompetisyong banyaga.

Sa kabilang banda, nais lutasin ng Executive Order No. 75 na magpapanukala ng pagtukoy ng mga lupang pang-agraryo upang maibahagi sa mga nararapat na benepisyaryo sa ilalim ng repormang pang-agraryo.

EJK sa mga magsasaka ‘umiigting’

Sa kabila ng mga ito, nananatili rin daw na kalbaryo sa mga kasapi ng KMP at Anakpawis ang patuloy na pagpaslang sa mga magsasaka sa gitna ng martial law sa Mindanao.

MULA SA PHILSTAR.COM: Killings of farmers on the rise under Duterte

"Peasant killings reach more than 180 under Duterte's watch, majority are from Mindanao, Negros and Bicol. Farmers and farm workers in Negros were killed via Sagay Massacre, Oplan Sauron and SEMPO mass killings,” wika ni Casilao. “In martial law Mindanao, peasants and Lumad indigenous people are treated like animals and killed ruthlessly by government armed forces,” he added.

(Umabot na sa 180 ang bilang ng napapatay na magsasaka sa ilalim ni Duterte, at karamihan ditto ay mula sa Mindanao, Negros at Bicol. Mayroon ding mga namatay na magsasaka’t manggagawa sa pamamagitan ng Sagay Massacre, Oplan Sauron at SEMPO mass killings. Sa martial law sa Mindanao, ang mga pesante at mga lumad ay tinatratong parang hayop at pinapaslang nang walang habas ng mga armadong pwersa ng gobyerno.)

Ayon sa pinakabagong tala ng Karapatan, isang organisasyong nakikipaglaban para sa karapatang pantao, mahigit 200 na ang bilang ng mga napapatay na magsasaka sa ilalim ng administrasyong Duterte. — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla.

vuukle comment

AGRARIAN REFORM

ANAKPAPWIS

RICE TARRIFICATION LAW

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with