^

Bansa

Education committee ‘di garantiya ng panalo-Escudero

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi garantiya na mananalong muli sa puwesto o makakabalik sa Senado kapag naging chairman ng pinag-aagawang Senate committee on education arts and culture.

Ito ang sinabi ni Senator Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa pinamumunuang komite pero matagal na hinawakan ni Senator Bam Aquino.

Bagaman at hindi tiyak ni Escudero ang rason kung bakit marami ang intresado sa komite, pero ang tiyak aniya ay hindi ito garantiya na muli silang mahahalal sa puwesto.

Inihalimbawa mismo ni Escudero ang nangyari kay Aquino na hindi nanalo kahit pa matagal na hinawakan ang education committee.

“Hindi ako naniniwalang nakabase iyon doon dahil si Senator Bam, matagal na na­ging chairman ng committee on education pero, tila hindi yon naka dagdag sa kanyang tangka na mahalal ulit sa eleksyong ito. Isa iyon sa mga bagay pero hindi iyon ang garantiya para manalo sa anumang halalan,” sabi ni Escudero.

Idinagdag ni Escudero na mabigat ang trabaho ng chairman ng nasabing komite dahil ito ang may pinakama­raming local bills na ipinapasa katulad ng paglikha ng mga eskuwelahan, pagdedeklara ng holiday at mga panukala na karamihan ay lokal ang aplikasyon.

Sinabi rin ni Escudero na responsibilidad din ng chairman ng nasabing komite ang pag-upo sa lahat ng state universities and colle­ges na posibleng dahilan kung bakit marami ang nagkaka-interes dito dahil mabibisita ang bawat state university at college sa bansa.

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with