^

Bansa

Kaysa sin tax sa yosi, mas mataas na buwis sa mayayaman isinulong

James Relativo - Philstar.com
Kaysa sin tax sa yosi, mas mataas na buwis sa mayayaman isinulong
Matatandaang inaprubahan ng dalawang kapulungan at ng Kongreso ngayong linggo ang Senate Bill 2233, matapos i-adopt ng Kamara ang ipinasang panukala ng Senado. 
The STAR/Russell Palma

MANILA, Philippines — Lalo raw magiging paurong ang sistema ng pagbubuwis sa Pilipinas dahil sa pagkakapasa ng Sin Tax Reform Bill, sabi ng economic think tank na IBON Foundation Huwebes.

Aniya, tataasan lang daw nito ang "consumer tax" na bumabagahe sa mahihirap habang binababaan raw ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion ang income at corporate tax ng mayayaman.

"While richer Filipinos consume more tobacco compared to poorer ones based on the latest Family Income and Expenditure Survey (FIES), the latter spend a greater percentage of their small incomes on tobacco," sabi ng IBON sa isang pahayag.

(Bagama't gumagamit ng mas maraming sigarilyo ang mayayaman kaysa sa mahihirap batay sa pinakahuling Family Income and Expenditure Survey, mas malaking bahagi ng  maliliit na sahod ng mahihirap ang napupunta sa tabako.)

Matatandaang inaprubahan ng dalawang kapulungan at ng Kongreso ngayong linggo ang Senate Bill 2233, matapos i-adopt ng Kamara ang ipinasang panukala ng Senado

Mula sa kasalukuyang P35, layon nitong itaas sa P45 ang excise tax na ipapataw ang kada kaha ng sigarilyo pagdating ng 2020, hanggang sa maging P60 pagsapit ng 2023.

Inaantay na lang na mapirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bago tuluyang maging batas.

Pero giit ng IBON, "pagsasamantalahan" lang ng bagong sin tax bill ang pagkonsumo ng mahihirap kaysa buwisan ang mayayaman na kaya naman daw magbayad.

"[W]ith TRAIN, the richest 1% of Filipino families with incomes of Php1.5 million or more a year will have an average of Php100,000 to over Php300,000 additional take-home pay annually especially when income taxes are lowered further in 2023," dagdag ng IBON.

(Sa TRAIN, madadagdagan ng P100,000 hanggang P300,000 dagdag na kita ang pinakamayamang 1% ng pamilyang Pilipino na kumikita ng P1.5 milyon pataas taun-taon lalo na't bababa pa lalo ang income tax pagdating ng 2023.)

Sa kabila ng mas mababang income tax sa TRAIN, hindi ito napakinabangan ng mga minimum wage workers na dati nang hindi sinisingil ng income tax ngunit nagbabayad sila ng mas mataas na consumer taxes.

Pagpondo sa Universal Health Care

Samantala, ikinatuwa naman ng ilang mambabatas ang pagkakapasa ng SB 2233.

Ayon kay Quezon Rep. Angelina Tan, chair ng House committee on health, pupunan nito ang kulang na pondo sa kapapasa lang na Universal Health Care Act.

"It’s a victory for the expanded health care program, for which the bulk of incremental collections will be appropriated," ayon ni Tan, na isa sa mga may akda ng UHC Act.

(Tagumpay ito para sa pinalawig na programang pangkalusugan, kung saan kukunin ang malaking bahagi ng incremental collections.)

Layon ng administrasyon na gamitin ang sin taxes para punan ang P62 bilyong kulang na pondo para sa UHC law.

“We look forward to seeing President Duterte sign this important bill into law,” sabi ni Sen. Sonny Angara, chairperson ng ways and means committee at sponsor ng nito.

(Inaasahan naming pipirmahan ito ni Presidente Duterte hanggang maisabatas.)

'Direct taxes hindi sin tax'

Ayon sa IBON, okay lang daw sana ang mas mataas na consumer tax sa petrolyo, tabako at alak kung may "progressive tax system" na ipinatutupad na may mataas na "direct taxes" at mababang consumption taxes.

Tinutukoy ng grupo ang pagpapataas ng income, estate, donor at property tax ng mayayaman.

"However, the Duterte administration’s tax reform agenda is doing the opposite by shifting the tax burden from the rich to the poor and ensuring private profits rather than public health," panapos ng research group.

(Pero, kabaliktaran ang tax reform agenda ni Duterte dahil sa paglilipat niya ng bagahe sa mahihirap at pagsisiguro ng kita ng pribadong kita kaysa pampublikong kalusugan.)

Una nang sinabi ng think tank na popondohan lang ng sin tax at UHC ang "supplementary coverage" ng private health care, tulad ng private health insurance at health maintenance organizations. 

vuukle comment

IBON FOUNDATION

SIN TAX

TOBACCO

UNIVERSAL HEALTH CARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with