^

Bansa

'Hindi lang isa': Iba pang faculty rooms na noo'y CR, inilantad ng ACT

Philstar.com
'Hindi lang isa': Iba pang faculty rooms na noo'y CR, inilantad ng ACT
Makikita sa larawang ito ang diumano'y pansamantalang faculty room mga Math teachers sa Bacoor National High School. Ang silid, dati raw palikuran.
Facebook/Maricel Herrera

MANILA, Philippines — Hindi lang isa kundi marami pang guro mula sa iba't ibang eskwelahan ang gumagamit ng banyo bilang silid dahil sa kakulangan ng mga pasilidad, ayon sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers Huwebes.

Nakatanggap daw ng mga karagdagang ulat at larawan ang ACT mula sa apat na eskwelahan sa Lungsod ng Quezon at dalawa pa sa Lungsod ng Maynila kung saan ito nangyayari — karamihan, sariling pera pa raw ng mga guro ang ipinanggastos.

Kasalukuyan din daw itong nangyayari sa Maligaya High School, Sergio Osmeña High School, Bagong Silangan Elementary School, Villamor High School at Calderon High School.

Ito'y kanilang tugon sa nag-viral na Facebook post noong nakaraang linggo mula kay Maricel Herrera, isang guro ng Bacoor National High School, kung saan isinaad niyang napilpiitan gamitin ang “ilalim ng hagdan at dating CR” bilang silid dahil sa kakulangan ng lugar para sa kanila.

Kagaya ng sinabi ng ACT, binanggit din ni Herrera na sila mismong mga guro ang nagbayad para sa pagpapaayos nito.

“Nowhere in any [government] agency will you see that employees take out from their pockets what is needed to repair government facilities. Teachers do it because they don’t have much choice and out of their vocation,” sabi ng ACT chairperson Joselyn Martinez.

(Wala kang mahahanap na ahensya ng gobyerno kung saan ang mga empleyado mismo ang naglalan ng pera para lang maayos ang mga pasilidad ng gobyerno. Pero ginagawa ito ng mga guro dahil wala naman ibang pagpipilian at dahil din sa kanilang bokasyon.)

Mga guro 'may choice' naman daw

Gayunpaman, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na pinili raw ng mga gurong gamitin ang banyo at hindi raw sila napilitang gawin ito dahil "may iba namang lugar sa eskwelahan na puwedeng gamitin." 

“They had a choice, they could hold office in the laboratory rooms but of course it is more dramatic, it’s more touching if you hold it in the toilets,” sabi niya.

(May choice sila, puwede naman ung laboratory rooms ang gamitin nilang opisina pero syempre, mas ma-drama at mas nakaka-touch kung ang banyo ang gawin nilang silid.)

Pero ayon sa ACT, pagpapatunay daw na may kakulangan sa pasilidad ng mga guro ang pag-amin ni Briones na may ibang lugar pa gaya ng mga laboratoryo.

“Secretary Briones’ tirade against teachers prove that DepEd does not intend to give teachers any dignity. First, they neglect us in schools by not providing us a proper office, then they oppose our just call for better pay,” sabi ni Martinez.

(Ang pagbatikos ni Secretary Briones laban sa mga guro ay pruwebang walang balak ang DepEd na magbigay ng dignidad sa mga guro. Una, pinababayaan kami sa mga eskwelahan dahil wala kaming maayos na opisina, tapos kinokontra nila ang aming panawagan para sa mas malaking sweldo.)

Posible raw makasuhan si Herrera dahil sa diumano’y pagsira ng imahe ng eskwelahan at DepEd na nangyari dahil sa kanyang paskil sa Facebook.

Ayon sa punong-guro ng Bacoor National High School na si Anita Rom, tinitingnan daw kung makakasuhan si Herrera ng “administrative case” at “cyberlibel charges.”

Pagbabanta kay Herrera kinastigo

Samantala, kinukundena naman ng League of Filipino Students ang "pananakot" at "pagbabantang" kinahaharap ni Herrera.

“The poor quality of school facilities and basic student services in almost all schools in the country are nothing but consequences of the government’s ineptitude and outright neglect on academic freedom and right to education” sabi ng LFS national spokesperson na si Kara Taggaoa.

(Ang mahinang kalidad ng mga pasilidad sa eskwelahan at serbisyong para sa mga estudyante sa bansa ay bunga ng kawalang kabuluhan at pagpapabaya ng gobyerno sa kalayaang pang-akademiko at karapatan sa edukasyon.)

Sabi naman ng DepEd, ginagawa nila ang makakaya para malutas ang isyung ito.

“The Department of Education (DepEd) is exerting all efforts to facilitate a solution acceptable to all officials and teachers in regard to the faculty room issue in Bacoor National High School-Molino Main,” sabi nila.

(Ang DepEd ay nagsusumikap para makapagbigay ng solusyong katanggap-tanggap sa lahat ng opisyal at guro tungkol sa issue sa Bacoor National High School-Molino Main.)

“Concrete steps have been undertaken to resolve any conflict, in the interest of orderly operations of the school,” dagdag pa ng DepEd.

(Gumagawa ng mga kongkretong hakbang para malutas ang gulo, para na rin sa interes at maayos na pagpapatakbo ng paaralan.) — Philstar.com intern Michelle Co

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

COMFORT ROOMS

DEPARTMENT OF EDUCATION

FACULTY ROOMS

LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS

LEONOR BRIONERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with