Amyenda sa Konstitusyon giit sa 18th Congress
MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Leyte congressman-elect Martin Romualdez na ituloy ng susunod na Kongreso ang pagreporma sa Konstitusyon na naglalayong pabilisin ang paglago ng ekonomiya.
Sinabi ni Romualdez, pangulo ng Philippine Constitutional Commission, na dapat maging bahagi ng agenda ng 18th Congress ang pag-amyenda sa Konstitusyon na isa sa ipinangako ni Pangulong Duterte noong 2016 presidential campaign.
Naaprubahan sa Kamara ang panukala sa ilalim ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong Disyembre sa botong 224-22 subalit hindi ito nabigyan ng pansin sa Senado.
Dahil dito kaya hinikayat ni Romualdez ang kanyang mga kasamahang kongresista at mga Filipino na manindigan sa likod ni Pangulong Duterte para isulong ang Federal Constitution na magtatag ng oportunidad at strong economic growth na mararamdaman din ng ordinaryong tao.
- Latest