^

Bansa

Panelo: 'Ill-gotten wealth' ang Marcos jewelries, dapat nang ibenta

James Relativo - Philstar.com
Panelo: 'Ill-gotten wealth' ang Marcos jewelries, dapat nang ibenta
Ito ang pahayag ni Panelo kahit na miyembro siya ng Kilusang Bagong Lipunan, na kilalang partido pulitikal ng mga loyalista ng dating diktador.
Video grab from Radio Television Malacañang - RTVM

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Malacañang na nagmula talaga sa nakaw na yaman ang mahigit P704.8 milyong alahas na nabawi ng gobyerno mula sa pamilya ni dating presidente Ferdinand Marcos.

'Yan ang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing Lunes.

"Well, as far as we're concerned, these properties have been declared to be ill-gotten. That's why, precisely it is to be sold," sabi ng tagapagsalita sa panayam ng media.

(Sa pagkakaalam namin, idineklara nang nagmula sa nakaw na yaman ang mga ari-ariang 'yan. Kaya nga, dapat na itong ipagbili.)

Ito ang pahayag ni Panelo kahit na miyembro siya ng Kilusang Bagong Lipunan, na kilalang partido pulitikal ng mga loyalista ng dating diktador.

Tumakbo rin sa pagkasenador si Panelo sa ilalim ng KBL noong 1992 ngunit natalo.

Huwebes nang kumpirmahin ni Panelo na nagbigay na ng "go signal" si Pangulong Rodrigo Duterte para ipasubasta ang mga alahas.

Paglilinaw pa ni Panelo, saklaw nito ang tatlong jewelry collections ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, ang biyuda ni Ferdinand, kasama ang Malacañan Collection, Roumeliotes Collection at Hawaii (Honolulu) Collection.

"He didn't specify [if there's only a specific collection to be sold] because my question to him was, whether he [will] give a go signal to the sale of the Marcos jewelries. And he said 'Yes,'" sabi niya.

(Hindi niya nilinaw kung pili lang ang ibebenta rito dahil ang tanong ko, kung bibigyan ba niya ng basbas ang pagbebenta sa mga alahas ng pamilya Marcos. Ang sabi niya, "Oo.")

Una nang sinabi ni Duterte na dapat mapakinabangan ng taumbayan ang kita mula sa mga ibebentang alahas.

"[A]s the president says, the proceeds have to go to the Filipino people who are in in urgent need of government aid."

(Sabi nga ng presidente, mapupunta ang kikitain nito sa mga Pilipinong nangangailangan ng agarang tulong mula sa gobyerno.)

Pagharang ng mga Marcos sa auction 'hindi papayagan'

Nang tanungin kung maaari bang hadlangan ng pamilya Marcos ang nakatakdang pag-auction ng mga alahas, ito ang sinabi ni Panelo: "I don't know about their lawyers. It's the lawyer's job."

(Hindi ko alam sa mga abogado nila. Trabaho 'yan ng mga lawyer.)

Gayunpaman, nanindigan ang Malacañang na tutuligsain nila ang mga Marcos oras na pigilan nila ang pagbebenta ng gobyerno sa ari-arian.

"If they do, then we will oppose it. Because it's the right thing to do," ani Panelo.

(Kung gagawin nila 'yan, tututulan namin. Dahil 'yun ang tamang dapat gawin.)

Nangyayari ang lahat ng ito sa kabila ng pagsuporta ni Duterte sa kandidatura ng noo'y kandidato at ngayo'y senator-elect na si Imee Marcos, na anak ni Ferdinand.

Dahil dito, in-endorso ng partido ni Duterte na PDP-Laban, si Imee.

Ang partido ng anak ni Duterte na si Sara Duterte-Carpio, in-endorso rin si Imee sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

ILL-GOTTEN WEALTH

IMELDA MARCOS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with