^

Bansa

Walang pasok: Ika-5 ng Hunyo idineklarang 'holiday' kaugnay ng Eid'l Fitr

James Relativo - Philstar.com
Walang pasok: Ika-5 ng Hunyo idineklarang 'holiday' kaugnay ng Eid'l Fitr
Ginawa itong pormal sa pamamagitan ng Proclamation No. 729 na nilagdaan nina Duterte at Executive Secretary Salvador MedialDea.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Para magbigay daan sa pagtatapos ng Ramadan, idineklarang regular non-working holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-5 ng Hunyo sa buong bansa.

Ginawa itong pormal sa pamamagitan ng Proclamation No. 729 na nilagdaan nina Duterte at Executive Secretary Salvador MedialDea.

"[T]he entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid'l Fitr," ayon sa proklamasyon.

Ipinatupad ang nasabing anunsyo batay sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.

Isinasagawa ang Eid al-Fitr matapos ang ika-siyam na buwan ng Islamic calendar (Ramadan), na panahon ng pag-aayuno (sawm), pagdarasal at pagninilay-nilay.

'Di tulad ng maraming ng regular holiday, paiba-iba ang petsa ng nasabing araw.

Inaalala sa panahon ng Ramadan ang unang paghahayag ng Quran sa propetang si Muhammad.

Bago ang Eid'l Fitr, umiiwas ang mga Muslim sa pagkain, pag-inom, paninigarilyo, pakikipagtalik at iba pang makasalanang gawi mula pagputok ng bukang-liwayway hanggang dapithapon.

Ang Eid ang una at tanging araw sa buwan ng Shawwal kung saan hindi pinapayagang mag-ayuno ang mga Muslim.

"... to bring the religious and cultural significance of Eid'l Fitr to the fore of national consciousness, it is necessary to declare Wednesday, 05 June 2019, a regular holiday throughout the country," sabi ng deklarasyon.

(Para maihatid ang relihiyoso at kultural na kahalagahan ng Eid'l Fitr sa pambansang kamalayan, kinakailangang ideklara ang Miyerkules, ika-5 ng Hunyo 2019, bilang regular na araw ng pahinga sa buong bansa.)

vuukle comment

EID'L FITR

ISLAM

RAMADAN

REGULAR HOLIDAY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with