^

Bansa

Bikoy pinalaya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bikoy pinalaya
Nabatid mula sa PNP na si Advincula ay pinayagan nang makalabas ng PNP General Hospital kahapon matapos na bumuti na ang kalagayan nito.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinakawalan kahapon ng pulisya makaraang magpiyansa si Peter Joemel Advincula na naunang nagpakilala bilang “Bikoy” nang lumabas ang video nito na nagsasangkot sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng bawal na gamot.

Nabatid mula sa PNP na si Advincula ay pinayagan nang makalabas ng PNP General Hospital kahapon matapos na bumuti na ang kalagayan nito.

Batay sa ulat, dakong alas-8:25 ng umaga nang i-discharge ng mga doktor si Bikoy mula sa pagamutan.

 Matapos naman itong isailalim sa ilang proseso ay pinayagan na rin itong makaalis ng Camp Crame dakong ala-1:15 ng hapon kasama ang kanyang kapatid na la­laki dahil nakapaglagak na ito ng P24,000 piyansa para sa kinakaharap na mga kasong estafa sa Baguio City Regional Trial Court.

Sa isang panayam, sinabi ni Advincula na mamamalagi siya sa kanyang pamilya at uunahin ang pagkuha ng abogado para suportahan ang kanyang ibinunyag laban sa oposisyon.

Sinamahan si Ad­vin­cula ng isa niyang kapatid sa paglabas niya sa PNP Criminal Investigation and Detection Group.  

Nang tanungin kung mamanmanan ng pulisya si Advincula, sinabi ni PNP-CIDG-NCR chief Police Lieutenant Colonel Arnold Ibay na: “Wala kaming nakikitang rason para imonitor siya. Ang sa amin, pinakawalan na namin siya.”

Sa paglantad ni Advincula, binaligtad niya ang nauna niyang sinabi sa video at kanyang ibinunyag na sina Senador Antonio Trillanes at ang ibang miyembro ng Liberal Party ang nasa likod ng video para siraan ang pamilya Duterte at ang mga kandidatong senador ng administrasyon sa nagdaang halalan.

Umalis si Advincula sa Camp Crame nang walang pormal na kahi­lingan para sa kanyang seguridad pero sinabi ni PNP Chief General Oscar Albayalde na maaaring humingi ng police protection ang una pero sasailalim muna ito sa threat assessment para matukoy kung maaari itong aprubahan.

vuukle comment

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with