Ex-Army gen. bagong MWSS chief
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong head ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) si retired Army Gen. Ricardo Morales kapalit ni Reynaldo Velasco.
Inihayag ni Pangulong Duterte sa thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go sa Davao City ang pagtatalaga niya kay Morales bilang bagong MWSS chief.
“Dick Morales shall head the MWSS. Taga-Davao din yang si Dick Morales. He is a very good. Rebelde yang si Morales,” wika pa ng Pangulo kamakalawa ng gabi.
Ito ang pinili ng Pangulo na mamuno sa MWSS matapos ang water crisis sa Metro Manila noong Marso na ikinagalit ng Pangulo.
- Latest