^

Bansa

Comelec: 10 reklamo inihain laban sa substitution ni Cardema sa Duterte Youth

James Relativo - Philstar.com
Comelec: 10 reklamo inihain laban sa substitution ni Cardema sa Duterte Youth
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kakailanganin munang ma-resolba ang mga oposisyong ito bago nila mapagdesisyunan kung papayagan ang kanyang substitution.
Facebook/National Youth Commission

MANILA, Philippines — Aabot na sa mahigit kumulang 10 oposisyon na ang naihain laban sa aplikasyon ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema para mag-substitute bilang nominado ng Duterte Youth party-list, pagkukumpirma ng Commission on Elections Biyernes.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kakailanganin munang ma-resolba ang mga oposisyong ito bago nila mapagdesisyunan kung papayagan ang kanyang substitution.

"So apparently, marami ang nakapag-file ng opposition. As of last count, mahigit 10 ang nag-file ng opposition," sabi ni Jimenez sa isang press briefing.

Kwine-kwestyon ngayon ang pagprepresenta ni Cardema na humalili bilang nominado matapos umatras ang limang orihinal na nominees nila, maliban sa kwestyon sa kanyang edad.

Posible naman daw na pagsama-samahin na lang ang mga reklamo upang mapabilis ang paglalabas ng desisyon ng Comelec dito.

"Posible 'yan, especially when you're talking about the orderly administration of the whole case, ano. 'Yung mga pwede i-consolidate, baka i-consolidate na 'yan. It would be too time consuming, I think, to dispose of each one separately, especially if they raised substantively the same issues."

Inihain ni Cardema ang kanyang aplikasyon para sa substitution noong ika-12 ng Mayo, Linggo, na kwinekwestyon ni Comelec commissioner Rowena dahil hindi raw ito pumasok sa regular na araw ng trabaho.

Wala pa naman daw takdang petsa kung kailan maglalabas ng desisyon ang Comelec.

Meron pa naman daw silang isang buwan bago maglabas ng resulta.

"Well, na-proclaim na 'yung party-list, which is what's important. And then 'yung nominees, that will happen in due course, kapag malapit na 'yung assumption nila. In writing na 'yon."

Reklamo sa edad vs. Cardema kasama rin

Maliban sa kwestyon kung pumasok ba sa tamang petsa ng paghahain ng substitution, sinabi ni Jimenez na isa rin ang kwestyon sa edad sa mga inihain ng tumutotol.

Sa Section 9 ng Party-list System Act, lumalabas kasi na 25 hanggang 30 taong gulang lang ang pinapayagang maging representante ng mga kabataan sa Kamara.

Sa mga dokumento ng substitution na nakuha ng PSN, nakasaad na 34-anyos na si Cardema.

"Ang issues na joined dito, na-join na, na-allege na lahat ng issues. Ngayon, I think the allegations of age is one of the issues of at least one of the complaints. So that would have to be settled," ani Jimenez.

Sa ngayon, tanging ang Kabataan party-list lang ang bukod tanging partido sa House of Representatives na kumakatawan para sa sektor ng kabataan.

Pero tugon naman ng Duterte Youth, kabataan at propesyunal ang nirerepresenta nila kung kaya't hindi raw sila sakop dapat ng probisyon.

May mauupo ba o wala?

Gabi ng Miyerkules, idineklara na ng Comelec ang lahat ng mga nagwagi sa party-list elections.

Isa ang Duterte Youth party-list sa mga waging makasungkit ng isang pwesto.

Nang tanungin si Jimenez kung posible bang walang mapaupong nominado ang Duterte Youth oras na lumabas ang desisyon, ito ang kanyang sinabi: 

"Wala naman siyang uupuan pa kasi, kailan ba ang start ng term nila? June pa 'di ba? June 30 pa. So, again at this point, it's premature to say na, 'Hindi siya makakaupo' o 'Makakaupo siya.' Kasi, right now, ang na-proclaim natin 'yung party-list. And that stays. Hindi naman magbabago 'yon."

"Ang kwestyonable na lang ngayon, ay kung sino ang mauupo for that party-list when the time comes."

Maliban kay Cardema, kasama rin sa mga substitute candidates ang mga sumusunod: 

  • 2nd Nominee: Gian Carlo Galang, 36
  • 3rd Nominee: Catherine Santos, 33
  • 4th Nominee:  Kerwin Pagaran, 31
  • 5th Nominee: Sharah Macabali, 29
  • 6th Nominee: Allan Payawal, 27

Kung mapagdesisyunan ng Comelec na huwag paupuin ang mga mas matanda sa 30-anyos para sa Duterte Youth, tanging sina Macabali at Payawal lang ang maaaring umupo sa pwesto.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

COMELEC

DUTERTE YOUTH PARTY-LIST

RONALD CARDEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with