Basura ng Canada ibiyahe na! - Duterte
MANILA, Philippines — Napikon na si Pangulong Duterte sa pagkabigo ng Canadian government na kunin ang kanilang itinambak na basura sa bansa kaya inutos na nito na kumuha ng isang private shipping company upang ibalik sa Canada ang kanilang basura.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis ang pagkadismaya at galit ng Pangulo sa patuloy na pagkabigong matupad ng Canada ang itinakdang May 15 deadline ng pamahalaan.
“President Rodrigo Duterte is so upset about the inordinate delay of Canada in shipping back its garbage. We are extremely disappointed with Canada’s neither here nor there pronouncements on the matter,” wika ni Panelo.
Masyado na raw matagal upang matupad pa ng Canadian government ang kanilang pangako na ibabalik nito ang kanilang basura dahil 2013 at 2014 pa ito itinambak sa bansa.
Aniya, papasanin na ng gobyerno ang pagbabayad ng gastos sa pagkuha ng barko upang maisakay ang tone-toneladang basura pabalik sa Ottawa.
“The Philippines as an independent, sovereign nation should not be treated as trash by other foreign nations. If Canada does not accept the trash, the Philippines will leave it within the waters of the North American country,” dagdag ni Panelo.
Kung hindi tatanggapin ng Canada ang kanilang basura ay itatambak ito sa sakop ng karagatan nito malapit sa kanilang mga shore.
Una ng nagbanta si Pangulong Duterte na baka pagmulan ng “giyera” kung hindi tatanggapin ng Canada ang kanilang mga basura.
- Latest