Parusa sa Manila Water madodoble
MANILA, Philippines — Malamang na madoble ang multa na kakaharapin ng Manila Water oras na hindi maging normal ang daloy ng tubig sa mga kliyente nito bago sumapit ang Setyembre.
Ito ang sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage Services Regulatory Office (MWSS-RO) chief Patrick Ty hinggil sa kundisyon ng water supply sa Metro Manila.
Ang Manila Water ay pinagmumulta na ng MWSS ng P534 million dahil sa service interruptions noong nagdaang Marso.
“What if Manila Water fails to resume operations, normal operations which means 24/7 after 180 days, around August or September? If they don’t fix this by the time of September, pwede pong mag-doble ang P534 million na rebate, puwede pong another 534 million doble po ang penalty e, ang rebate,” pahayag ni Ty.
Una nang sinabi ni Ty na karamihan sa mga naapektuhang kliyente ng Manila Water ay nakatanggap na ng rebates na P2,197.94 na babawasin sa kanilang water bill simula Hunyo.
- Latest