^

Bansa

3 Pinoy na dinukot sa Libya pinalaya na

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
3 Pinoy na dinukot sa Libya pinalaya na
Personal na sinalubong ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa NAIA Terminal 2 ang tatlong Pinoy engineers na pinakawalan matapos dukutin sa Libya.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Personal na sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr., ang tatlong Filipino civil engineers na dinukot ng mga armadong rebelde at ginawang hostage sa Libya noong Hulyo 2018, matapos itong dumating sa Ninoy Aquino Intenational Airport (NAIA) Teminal 2 sa Pasay City, kahapon.

Ang mga Pinoy na hindi pinangalanan sa pangamba ng seguridad ay sinamahan ni Ambassador to the United Arab Emirates (UAE) Hjayceelyn M. Quintana, sakay ng eroplano ng PAL flight PR 0659.

Hulyo 2018 nang dukutin ang tatlong Pinoy kasama ang isang South Korean national ng hindi pa batid na armadong grupo sa kanilang project site sa Great Man-Made River sa may katimugang bahagi ng Libya ng mga hindi kilalang mga armadong grupo.

Lubos namang pinasalamatan ng DFA ang naging tulong ng United Arab Emirates, Libya, South Korea at iba pang mga kaalyadong bansa na namuno upang mapalaya ang mga biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

LIBYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with