^

Bansa

Pederalismo muna, bago bitay - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pederalismo muna, bago bitay - Digong
Aniya, isa rin sa posibilidad na pagtutuunan ng pansin ng mga kaalyadong mambabatas ng Pangulo ang pagpapanumbalik sa death penalty.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Prayoridad ng Duterte administration sa pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo ang pede­ralismo sa harap ng pagkapanalo ng mayorya  ng mga kaalyado ng admi­nistrasyon sa katatapos na  midterm elections.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo sa gitna ng mga haka-haka na mada­ling maigiit ni Pangulong Duterte sa mga sinuportahang kandidato ang mga panukalang batas na nais nitong agad  na  maisabatas.

Ayon kay Panelo, isa ang pederalismo sa mga  naipangako ng Pa­ngulo sa mga taga-Min­danao para maging pantay-pantay ang lahat at magkaroon ng  kaayusan at kapayapaan sa bansa, lalo na sa Mindanao region.

Aniya, isa rin sa posibilidad na pagtutuunan ng pansin ng mga kaalyadong mambabatas ng Pangulo ang pagpapanumbalik sa death penalty.

Wika pa ni Panelo, nasa mga bagong kongresista at senador na ang desisyon kung aling mga panukalang  batas ang uunahin dahil batay sa ilalim ng Konstitusyon, dapat gumawa ng batas ang mga ito na  mapapakinabangan ng publiko at ng sambayanan.

“Those winning candidates should be fealty to their oaths, to the laws, as well as to the Constitution. They should always introduce legislation that will benefit the masses of our people,” paliwanag pa ni Panelo.

vuukle comment

FEDERALISM

SALVADOR PA­NELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with